^

PSN Showbiz

Kuwento ng Dwarfina pabongga

-

MANILA, Philippines - Pabongga ang kuwento ng Dwarfina : pinuntahan ni Lyndon (Dennis Trillo) si Lucille kila Marissa para komprontahin. Lucille offers na balikan siya para hindi niya pahirapan si Lyndon. Ayaw ni Lyndon kaya hinanap niya si Fina (Heart Evangelista).

Samantala, biglang lumaki na ulit si Fina. Pupuntahan niya si Lyndon sa baba at makikiusap na umuwi na siya. Sasabihin ni Lyndon na magkita sila bukas sa unang tagpuan nila. Pinagalitan ni Marissa si Fina dahil buong araw itong nawala (hindi niya alam kasi na lumiit si Fina). Pagbabawalan na si Fina na lumabas ng bahay.

Papayuhan ni Dwenkikay (Rufa Mae Quinto) si Fina na kitain si Lyndon para matapos na ang pa­ngungulit nito sa kanya. Tatakas si Fina para makipagkita kay Lyndon at makikita iyon ni Selya.

Pilit na pinapaamin ni Lyndon si Fina sa totoong feelings niya para sa lalake. Parang bibigay na si Fina pero matatauhan siya at masasampal niya ang lalake nang muntik na silang magkahalikan. Inutusan muli ni Selya si Elvin na parusahan si Lyndon. Aatakihin si Lyndon ng mga ibon.

Sa pagbalik ni Fina sa mansion, maaabutan niya si Selyang galit na galit. Pinarusahan niya si Fina dahil nakita niyang magkasama sila ni Lyndon.

Hindi pa rin susuko si Lyndon kahit na binasted pa siya ni Fina. Babalikan niya si Fina at papaaminin niya na mahal siya nito. Ayaw siyang labasin ni Fina pero matigas pa rin si Lyndon. Inulan na siya sa kahihintay kay Fina sa labas.

Makikita ni Elvin si Lyndon mula sa kuwarto ni Selya. Gagamitin na naman niya ang kanyang kapangyarihan para umalis si Lyndon.

Pagdating ng Huwebes, Napaamin na ni Lyndon si Fina sa tunay nitong pagtingin sa kanya. Masayang-masaya si Lyndon nang marinig mula kay Fina na iniibig din siya nito, pero alam nila pareho na magiging mahirap para sa kanila ang relasyon.

vuukle comment

AYAW

DENNIS TRILLO

ELVIN

FINA

HEART EVANGELISTA

LYNDON

MARISSA

NIYA

PARA

RUFA MAE QUINTO

SELYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with