^

PSN Showbiz

TF nina Kris at Dingdong napunta sa pagpapatayo ng pre-school

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi tumanggap ng talent fee sina Kris Aquino at Dingdong Dantes sa pagi-endorse ng Freedom Scents ng Bench at napunta sa pagpapatayo ng pre-school ang dapat na TF nila. Ang latest na mabibigyan ng pre-school ay sa Ormoc, sa distrito ni Cong. Lucy Torres-Gomez at bubuksan sa birthday sa April ni Richard Gomez.

May apat na different scents ang Freedom Scents, may Freedom Eau de Toilette, Freedom 1 for the females, Freedom 2 for the males at pang-unisex ang Freedom 3. Mabibili na ang mga ito sa Bench stores at very affordable ang prices.

Samantala, sa interview kay Kris, ayaw pangalanan ang taong nagpadala sa kanya ng yogurt at nagsisi siya na na-tweet ang tungkol dun dahil tinatanong. Hindi pa siya libre muling umibig ngayon.

“Mayor Junjun Binay, Ted Failon, and Diether (Ocampo) are all my best friends. Walang umaaligid sa akin ngayon. With Ted, magsisimula na kami sa pilot ng weekly show namin sa ABS-CBN sa second week ng March. Si Diet naman, gusto niya ng super bata na GF, obviously ayaw niya sa akin at okay na rin kaming ganito. Siya ang tao na ’pag kailangan mo ng kasamang manood ng sine, sasamahan ka,” paliwanag ni Kris.

Nabanggit din niya na may dine-date si James Yap, pero si Bimby na lang ang tanungin dahil ayaw niyang siya ang magsasabi.

“Friends na talaga kami ni James, bawal pag-usapan ang annulment case namin pero malinaw na ang settlement at lahat ng property namin nahati na,” sabi ni Kris.

Naka-schedule na ang hearing sa kaso nina Kris at James at umaasa itong midlle of this year o after three to four months, malaya na sila pareho.

*    *    *

Nagtawanan ang press sa hirit ni Luis Manzano sa presscon ng Who’s That Girl? na sana matuwa ang ina niyang si Batangas Gov. Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian sa daring na eksena niya sa nasabing pelikula.

“Ito ang nudest scene ko at dito ko pinakita ang kaluluwa ko,” hirit ni Luis.

Hindi na rin nagulat si Anne sa butt exposure ni Luis dahil sanay na siya. Pero hindi ang madalas na pagpapakita ng butt ni Luis ang nagpapa-sexy dito para kay Anne.

“It’s the humor that makes him sexy,” sabi ni Anne.

Kung mapapanindigan ni Luis na gayahin ang Hollywood actor na si Kevin Spacey, wala na ta­yong mababalitaan sa kanyang love life. Sa interview kay Spacey, sabi nito, he doesn’t have to talk about his love life.

“I woke up one day and realized I don’t have to talk about my personal life, my lips are sealed, mananahimik ako,” pangako ni Luis.

Sa March 2 na ang showing ng Who’s That Girl? sa direksiyon ng controversial na si Wenn Deramas. Co-produced ito ng Viva Films at SMDC Development.

*    *    *

This Sunday na magsisimula ang Tanghaling Go-Go-Go! ng TV5, kung saan, three new shows ang sunud-sunod na magpa-pilot. Una ang Pinoy Samurai ni Joey de Leon at 12 n.n. kasama sina Mr. Fu. Rufa Mi, at Wilma Doesnt at trailer pa lang, nakakatuwa na kung paano ito tatakbo.

Sunod ang game show nina Eugene Domingo at Keempee de Leon na Lucky

Numbers at 1 p.m., at gamit lang ang cell phone, mananalo ng malaking halaga ang contestants. Aabot sa P1 million ang mapapanalunan.

Panghuli, at 2 p.m., ang variety show na Fantastik at ilan sa mga performers sina JC de Vera, Sakto Boys, Carla Humphries, Kean Cipriano, Danita Paner, Alex Gonzaga, Gloc9, Alwyn Uy­tingco, Martin Escudero, Arci Muñoz, Star Factor talents, at iba pa. 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALWYN UY

ARCI MU

BATANGAS GOV

CARLA HUMPHRIES

DANITA PANER

FREEDOM SCENTS

LUIS

THAT GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with