^

PSN Showbiz

Kaya pala 'di masimulan ang gagawing pelikula, kilala at magaling na aktres na adik nagpapagaling sa rehab

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Na-pack-up ang taping ng Machete nung Lunes dahil hindi sa na-food poison si Ryza Cenon na kagagaling lang sa ilang araw na bakasyon sa Thailand.

Nasa airport pa lang ng Thailand si Ryza pabalik ng Maynila noong Linggo ay panay na ang suka nito. Kaya pagdating nito ng Maynila ay dineretso na siya ng St. Luke’s hospital.

Na-food poison nga ito, na ang duda ng young actress ay hindi siya hiyang sa maanghang na dip ng mangga na kinain niya sa Thailand.         

Inilabas din daw ito ng hospital kinabukasan pero sobrang nanghihina pa raw kaya pinagpahinga muna ito.

Nabalik na ang lakas nito at okay na siya kaya magti-taping na siya sa Machete ngayong araw.

Nabalitaan din namin kahapon na na-food poison si Raymart Santiago kaya hindi na itinuloy ang farewell presscon ng Bantatay kahapon.

Hindi raw alam ng mga taga-Bantatay kung ano ang nakain nito kaya siya na-food poison.

Pero ngayong araw ay kailangan na niyang mag-taping dahil last day na niya ito sa Bantatay.

Nakatakda na rin kasi itong mag-abroad bukas dahil magbabakasyon daw ito kasama si Claudine Barretto at ang kanilang mga anak.

TANONG : Si Sid Lucero na nga ba talaga ang leading man ni Marian Rivera sa Amaya?

Mamaya na ang story conference at doon malalaman kung matutuloy na ang aktor dahil wala pa kaming nakuhang kumpirmasyon mula sa GMA 7.

Bagong mukha na taga-Ateneo naman daw ang isa pang leading man ni Marian, at ipapakilala na ito sa storycon ngayong araw.

TOTOO KAYANG hanggang ngayon ay nasa rehab pa rin ang kilala at magaling na aktres?

Hindi raw makapaniwala ang ilang taong malapit sa naturang aktres kung paano ito nagumon sa droga dahil hindi naman daw ito mukhang adik.

Pero mukhang willing naman daw ang aktres na gumaling kaya tinulungan ito ng mga kaibigan sa kanyang pagpapa-rehab.

Kaya pala hindi pa nagsisimula ang pelikulang gagawin nito dahil hindi pa rin daw available ang magaling na aktres.

TSIKA LANG : Bandang huli, vindicated din si Tim Yap at napatunayan nitong totoo ang una niyang ipinost sa kanyang Twitter account na magdi-date na sina Angel Locsin at Phil Younghusband.

Nagkasundong mag-target shooting ang dalawa nung nakaraang Linggo pero sarado raw pala ang shooting range na dapat puntahan nila, kaya hindi ito natuloy. Pero itutuloy pa rin daw nila ang hinihinging date ni Phil kay Angel, kaya lang hahanapan pa nila ng available na schedule.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BANTATAY

CLAUDINE BARRETTO

DAW

KAYA

LINGGO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with