^

PSN Showbiz

Secret pa, Sen. Kiko tatlu-tatlo ang regalo kay Mega

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Very successful ang katatapos lamang na Mega 2011 Birthday Concert na ginanap sa Araneta coliseum. Star studded ang nasa­bing concert ni Megastar Sharon Cuneta.

Muling pinahanga ni Mega ang lahat ng kanyang supporters. All out ang support ni Sen. Kiko Pangilinan, Frankie, Miel, at KC ng gabing iyon. Proud na proud si Sen. Kiko kay Sharon dahil sa lahat ng accomplishments nito. “All the support, and love, very overwhelming. I’m very proud with what she has accomplished. All the dedication, sacrifice, her love for her work. I’ll be always here for her. I’m giving her all the love I hope that would be good enough to inspire her do better and perform better,” emosyonal na pahayag ni Sen. Kiko.

Ano naman kaya ang sikreto ng magandang samahan nilang mag-asawa na sa gitna ng kanilang busy schedules ay very smooth at nananatiling matatag? “Sabi nga nila parang kumplikado ang buhay namin. Si Sharon nasa showbiz, ako nasa pulitika. Parehong sakit ng ulo but I think ultimately sa bandang huli, tiwala at pagmamahal ang mahalaga,” dagdag pa ng senador.

Binigyan daw niya ng special gift si Sharon for her birthday. “I gave her three cards. Siyempre corny, I love you, and then I gave her a gift, then small part, very simple lang, pero gift secret na lang,” nakangiting kuwento pa ni Sen. Kiko.

Mapapanood ang Mega 2011 TV special sa susunod na Linggo, January 23.

Zanjoe at Bea nag-date sa kasalan

Finally ay nagsalita na si Zanjoe Marudo tungkol sa pagde-date daw nila ni Bea Alonzo.

Madalas kasing nakikita ang dalawa na magkasama sa ilang mga events especially noong Christmas break. “Totoo naman iyon, lumalabas naman talaga kami, lalo na noong Christmas break kasi pareho kaming walang trabaho and ‘di kami nagbakasyon sa labas ng Pilipinas. Nanood kami ng movie, kasama namin siya at ibang mga friends,” pagtatapat ni Zanjoe.

Ibang level na kaya ang relasyon nilang dalawa ngayon dahil pareho naman silang single? “Noong time na iyon, in-invite ko siyang manood, lumabas, mag-dinner so siguro ay date nga iyon. Parang ‘di ko naman sinasabi na ‘di ako nagbibigay ng label na tara date tayo. In-invite ko siya kasi ay gusto ko siyang makasamang lumabas. Bago lang nitong nararamdaman ko na gusto ko nang manligaw. Basta ako ay ipinapakita ko lang, pinapaligaya ko lang siya, pinapatawa. Gusto ko ‘yung ginagawa ko magpasaya sa kanya. Kung hindi man suwertehin, at least ay nagawa ko ‘yung gusto kong ipakita,” dagdag pa ni Zanjoe.

Magkasama rin daw um-attend sa isang kasal sina Zanjoe at Bea kamakailan. “Wedding iyon ni La Tenorio, friend namin. Kasi mas close ako doon sa ikinasal, in-invite niya ako. Sabi niya ay invite ko rin si Bea, pumayag naman siya (Bea), natuwa ako na siya ang ka-date ko sa kasal,” pagtatapos pa ni Zanjoe. - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

BIRTHDAY CONCERT

KIKO

KIKO PANGILINAN

LA TENORIO

MEGA

SABI

SHARON CUNETA

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with