Richard at Lucy nanahimik
Masipag mag-update si Kris Aquino ng box-office gross ng 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa fourth day ng filmfest, ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote pa rin ang numero unong na-hit na ang P100-M mark. Ang Dalaw ay kumita na ng P40.6M at dahil araw-araw ay nagdadagdag ng sinehan, lalaki pa ang box-office gross nito.
Nabanggit ni Kris na P44M ang nagasta nilang mga producers sa Dalaw at para makabawi, kailangan nilang kumita ng P90M, para sila’y sumaya dapat kumita ang movie ng P100 and for them to be very, very happy ay kumita ng P130M.
Hanggang Jan. 3 pa ang MMFF at siguradong extended ang showing ng Dalaw na nadadagdagan din ang mga sinehan, kaya mababawi pa nina Kris ang malaking perang nagasta sa kanilang pelikula.
Samantala, umaasa pa rin si Kris na matuloy ang talk show nila ni Ted Failon na naka-schedule sa June 2011 at may tentative title na Ted & Kris. Advertisers daw ang mga nag-request sa ABS-CBN na magkaroon ng talk show si Kris at ang pagsamahin sila ni Ted ang naisip ng network.
* * *
Tuwang-tuwa ang mga fans ng half-Pinoy, half-Puerto Rican na si Bruno Mars sa balitang darating ito next year for a two-night concert. Ang bilis nang palitan ng tweets ng mga fans ng singer- songwriter-producer na nagpasikat ng mga kantang Nothin’ On You, Just the Way You Are, Grenade, at iba pang hits mula nang malamang darating ito sa ’Pinas.
Sa Waterfront sa Cebu sa April 7 ang first date ng pagtatanghal ni Bruno Mars at sa SM Mall of Asia Concert Grounds naman ang venue ng April 8 concert nito. Hindi pa namin alam ang producer at kung magkano ang tiket, kaya relax muna kayo. Okay?
* * *
Haharap sa presscon ang mag-asawang Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Jan. 7 dahil sila ang cover ng January issue ng Men’s Health and Women’s Health magazines.
Matagal nang hindi nai-interview ang mag-asawa at siguradong marami silang maibabalita. Sa Twitter account ni Richard na lang kami nakakabalita sa mga ginagawa nilang mag-asawa, gaya nang pagpunta nila sa Malacañang Palace para sa signing ng national budget.
* * *
Mali ang akala ng mga kaibigan ng isang aktor na hindi niya sinubukang makipagbalikan sa ex na isa ring artista. Lahat ay ginawa ng aktor para maging sila uli ng dating nobyang aktres, pero lalo pa siyang nasaktan nang malamang kahit noong mga panahong hindi pa talaga tapos ang relasyon nila, sinagot na pala nito ang isang manliligaw at lumabas na pinagsabay sila nito.
Kaya nang aminin ng babae na mas mahal niya ang bagong BF, nagparaya na ang aktor dahil mahirap pang ipilit ang sarili kung ayaw na sa kanya. Matagal din ang naging relasyon ng aktor at ng aktres at akala niya ang ex na ang mapapangasawa.
Habang masaya ang aktres sa bagong pag-ibig, loveless naman ang aktor at ’yung pinakahuli niyang relasyon ay hindi nagtagal, kaya ayaw muna nitong magka-GF.
- Latest
























