^

PSN Showbiz

Mabilis sumikat dahil kay P-Noy Liz Uy endorser na

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pagiging stylist, may bagong career na rin si Liz Uy. Endorser na siya ng isang brand ng relos.

Yup, visible na ang ads ng nasabing relos.

Malaki na rin ang iginanda ni Liz kumpara noong una siyang makilala sa showbiz.

Mailap pa rin si Liz pagdating sa interview kaya walang nakuhang reaction tungkol sa bagong dini-date ni Pangulong Noynoy Aquino na si Len Lopez ng Deutsche Bank matapos ang issue sa kanila ng pangulo.

At aminin man niya o hindi, malaki talaga ang naitulong ng pagkaka-link niya sa presidente para mabilis siyang sumikat.

* * *

Kumpletuhin ang simbang gabi kasama ang inyong paboritong mga Kapamilya stars sa Kapamilya Simbang Gabi tuwing 3:30 a.m. sa ABS-CBN.

Simula noong Dec 16 ay ineere na sa ABS-CBN ang Simbang Gabi. Kaya gumising na ng maaga at makinig sa Misa hanggang Dec. 24 kung saan ang mga magbabasa at kakanta ay mga nagniningningang bituin ng Kapamilya Network tulad nina Dimples Romana, Jovit Baldivino, Cesca Litton, Robi Domingo, Maja Salvador, Jake Cuenca, Aaron Villaflor, Pinoy Big Brother teens, at marami pang iba.

Bawat misa rin ay may chosen charities ang ABS-CBN na bibiyayaan nila ng maagang pamasko at mga regalo.

Ang Kapamilya Simbang Gabi ay bahagi ng Christmas campaign ng ABS-CBN para sa taong ito. Unang inilunsad ng kampanya ang pinag-uusapang Christmas Station ID, pagbebenta ng Kapamilya parols, at ang matagumpay at ipinalabas pa lamang na ABS-CBN Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum.

* * *

Busog-sarap anytime, anywhere sa Sarap at Home Season 3!

Mas pinaraming exciting recipes at easy-to-prepare meals ang napanood sa Season 3 ng Sarap At Home na nagsimula noong Sabado sa Q Channel 11!

Handog ang season na ito ng programa sa mga palaging on the go dahil mga madadaling recipe ang ihahain ng programa sa tulong ng host na si Sam Oh na mapapanood bilang isang independent career woman sa pinaghalong comedy at cooking show.

Bida sa Season 3 ng Sarap at Home ang iba’t ibang food products na sigu­radong magbibigay ng busog-sarap experience anytime, anywhere sa mga nasa bahay, trabaho, at maging sa mga on the go - ang Holiday Ham, San Marino Corned Tuna, San Marino Tuna Paella, CDO Ulam Burger, at CDO Crispy Patties!

Dahil ilang araw na lang at Pasko na, mga katakam-takam na ham recipes na perfect para sa holidays ang ipapatikim ni Sam kasama ang celebrity guests na sina Sheena Halili, Chef Sau Del Rosario, Tessa Prieto-Valdes, at Fabio Ide. Almond Crusted Holiday Ham with Orange Marmalade Sauce at Pineapple Glazed Holiday Ham with Sweet Potato Mash – ilan lang ito sa mga special twists na gagawin nina Sam sa paboritong pagkain kapag Pasko – ang Holiday Ham.

Kasama rin sa menu nila ang sandwich recipes na ihahain ni Sam kasama ang guests na sina Andi Manzano at Issa Litton.

Mapapanood ang Sarap at Home Season 3 tuwing Sabado; 11:30 a.m., 5:30 p.m., at 7:40 p.m. tuwing Linggo; at 10:10 a.m., 11:30 a.m., at 6:20 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes – sa Q Channel 11!

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ALMOND CRUSTED HOLIDAY HAM

ANDI MANZANO

ANG KAPAMILYA SIMBANG GABI

ARANETA COLISEUM

HOLIDAY HAM

HOME SEASON

Q CHANNEL

SARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with