^

PSN Showbiz

Korina nadagdagan ang confidence nang magkaasawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maraming salamat uli kay Korina Sanchez dahil sa mga ensaymada na ipinadala niya sa akin noong Biyernes.

Touched na touched ako sa kind gesture ni Mama Koring at sa note na nakalakip sa kahon ng ensay­mada na malaki ang naitulong para hindi ako magutom habang hinihintay ko na magsimula ang presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Pinadalhan na ako noon ni Mama Koring ng mga alimango at prawns na galing sa seafood farm ng kanyang mister na si Senator Mar Roxas kaya nagulat ako nang padalhan pa niya ako ng ensaymada.

Love ko na talaga si Mama Koring na lalong gu­manda mula nang maging Mrs. Mar Roxas siya. Iba talaga ang nagagawa sa isang babae ng buhay may asawa.

Nadagdagan ang kanyang confidence at palaging blooming! Thank you Mama Koring!

* * *

Magkasamang dumating kahapon sa studio ng Startalk sina Mark Herras, Nadia Montenegro, at Ynna Asistio para kausapin ako tungkol sa mga reklamo ko kay Mark.

Siyempre, uminit ang ulo ko nang isa-isahin ko kay Mark ang malaking pagbabago ng kanyang ugali.

Hindi ko type ang drama ni Mark na meron itong severe insomnia dahil wala siya nito dati. Si Vilma Santos ang artista na unang naringgan ko na may insomnia pero hindi siya unprofessional, naging gobernador pa siya ng Batangas!

Nangako siya na magbabago or else, magiging nameless uli siya at mawawala na ang mga freebies na ini-enjoy niya mula nang maging artista.

Hindi ako basta tumatalak kung hindi ko nakikita na may changes sa ugali ng aking mga alaga. Balewala ang pagsusumikap at pagtulong ng mga talent manager sa kanilang mga alaga kung pasaway at unprofessional ang mga ito.

Umaasa ako na tutuparin ni Mark ang kanyang mga pangako dahil kung hindi, baka kung saan na lamang siya pulutin!

* * *

Napaluha si Bong Revilla nang mapanood nito ang VTR message sa kanya ni Senator Ramon Revilla Sr.

Hindi napigilan ni Bong ang mapaluha dahil sa napakagandang message ni Mang Ramon na proud na proud sa mga achievement ng kanyang anak.

Nag-promise si Bong sa tatay niya na lalong pagbubutihin ang trabaho bilang artista at senador.

May prediction si Mang Ramon para kay Bong, malayo pa ang mararating nito sa larangan ng pulitika. Ang magagandang sinabi ni Mang Ramon ang isa sa maraming inspirasyon ni Bong kaya ganadung-ganado ito na i-promote ang filmfest movie nila ni Vic Sotto, ang Si Agimat at si Enteng Kabisote.

Mahal na mahal ni Bong si Mang Ramon. Pagkatapos ng live guesting niya kahapon sa Startalk, pinuntahan ni Bong ang kanyang ama para makipag-bonding.

* * *

Confirmed na engaged na si Justine Ferrer sa kanyang American boyfriend. The who si Justine? Siya ang transexual na nakilala nang mag-join sa Survivor Philippines : Palau at reporter din siya ng Tweetbiz.

Mahilig at masarap magluto si Justine. Na-appreciate ko ang pagpapatikim niya sa akin ng mga ulam na kanyang niluluto.

At dahil mabait si Justine, wish ko na maging forever ang relasyon nila ng kanyang dyowa na pakakasalan siya sa Amerika. Isa lang ang ikinaloka ko, inamin sa akin ni Justine na hindi pa siya nagkakaroon ng US Visa kaya paano sila magpapakasal ng boyfriend niya na in love na in love sa kanya?

vuukle comment

AKO

JUSTINE

KANYANG

MAMA KORING

MANG RAMON

SI AGIMAT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with