^

PSN Showbiz

Piolo gustong gawing talent manager ng dating assistant

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

 Mabuti na lamang at magkakaroon pala ng church wedding sina Robin at Mariel Rodriguez Padilla. Sa ating mga Katoliko, pinaka-binding ito. Mas mahirap lagutin ang tanikala na nagbubuklod sa mag-asawa na kaloob ng simbahan. Pero wala namang problema rito dahil mismong si Robin na ang nagsabing forever and ever na ang relasyon nilang mag-asawa.

A church wedding will mean na maisi-share nila ang masayang bahagi na ito ng kanilang buhay sa mga kaanak at kaibigan nila. Lalo na marahil sa pamilya ni Mariel na umaasam ng isang kasal sa simbahan para kay Mariel.

* * *

Ako lang pala ang hindi nakakakilala kay Alodia Gosiengfiao, ang co-host ni Luis Manzano sa bago niyang programang Laugh Out Loud (LOL) ng ABS-CBN. Dati siyang modelo bago nag-artista sa TV. Bukod sa pagiging magka-co-host, wala silang ibang re­lasyon ng anak ni Gob. Vilma Santos.

Sa pa-party ng mga Ejercito sa press nalaman na si Alodia pala ay crush ng isa sa mga binata ni Gov. ER. Ang nasabing binata ay magtatapos na ng filmmaking sa St. Benilde at interesadong mag-direct ng pelikula in the future. 

* * *

Kakatuwa naman na mukhang magkakapalit ang posisyon ng mag-among Piolo Pascual at ng Survivor Castaway na si Moi Marcampo, personal assist­ant niya. Una itong nagkaroon ng break sa prinodyus na pelikula ni Piolo, ang Kimmy Dora. Magkasama rin silang dalawa sa isang detergent commercial.

After her stint in Survivor, naging visible na siya sa Kapuso network at dahil wala itong kaalam-alam sa takbo ng showbiz, kung kaya kung papayag ito gusto niyang pamahalaan ang kanyang showbiz career sa kanyang among si Piolo.

Aba, baligtad na, boss na ni Piolo si Moi. Sana matuloy ito dahil malaki ang maitutulong ni Piolo sa career ng kanyang assistant.

* * *

Nagagawa nang magsalita ni Shaina Magdayao ng walang bitterness sa naging paghihiwalay ng kanyang mga parents. Before kasi, taboo ang topic na ito maski na sa kanilang pamilya. Pero dahil may communications na sila lately ng kanyang mom, kung kaya napag-uusapan na nila na hindi sila nakakaramdam ng sakit at maski na sa ibang tao, kapag natatanong ito ay nakakasagot na sila ng walang pait.

Malaking tulong ang ma­gan­dang career ni Shaina para ma­­da­ling maka-move on at ma­ka-recover sa nangyari sa kanyang pamilya.

Bagaman at masakit ang nang­yari, it brought all of them together, silang mag-aama at na-realize nila na walang problema na hindi nila makakayanan.

vuukle comment

ALODIA GOSIENGFIAO

KIMMY DORA

LAUGH OUT LOUD

LUIS MANZANO

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ PADILLA

MOI MARCAMPO

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with