^

PSN Showbiz

Inirereklamo ni Direk Gina, Barbie at Joshua matitigas ang ulo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Lahat nang nakakaalam na lilipat sa GMA 7 si Iya Villania ay nagtatanong kung ano ang nangyari at bigla itong nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN. Ang tsika sa amin, ayos na ang lahat at magkakapirmahan na at iwe-welcome na dapat si Iya sa Party Pilipinas last Sunday.

Patunay pa na muntik nang bumalik sa GMA7 si Iya ay ang sinabi ng BF nitong si Drew Arellano nang mag-guest sa Tonight with Arnold ni Arnold Cla­vio sa Q Channel 11 habang may phone-patch interview ang broadcaster sa aktres. Biniro kasi ni Drew ang GF na malapit na silang magkasama sa GMA 7 at sinaway siya ni Iya.

May nakahanda na ring show si Iya sa Kapuso at makakasama pa niya dapat si Drew, pero dahil hindi siya natuloy lumipat o bumalik, sa iba na ibinigay ang pagho-host ng show. Hindi lang namin alam kung ire-retain si Drew kahit hindi na si Iya ang host.

May kinalaman daw sa kontrata ni Iya noong nasa GMA 7 pa siya ang rason kung bakit hindi na siya natuloy bumalik sa Kapuso at sa halip, nag-renew ng contract sa Kapamilya.

*    *    *

Isa sa mga natuwa sa 20-episode extension ng Reel Love Presents Tween Hearts ang director nitong si Gina Alajar dahil mas matagal niyang makakatrabaho ang mga bagets na bumubuo ng cast ng Sunday series ng GMA 7.

Kaya lang, may nabanggit si Direk Gina na dapat alamin ng magka-loveteam na Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Kumpara sa ibang love team, sina Barbie at Joshua ay hindi nakikinig sa kanya at ayaw lu­ma­bas sa kanilang “comfort zone.”

Ano kayang comfort zone ang tinutukoy ng director nila? Sabi pa niya, sina Bea Binene, Jake Vargas, Derek Monasterio, at ang ibang cast ay nakikinig sa kanya, maliban kina Barbie at Joshua. Naku mga bagets, makinig kayo sa director n’yo ’no!

*    *    *

Hindi malinaw sa amin kung kanino su­ma­ma ang loob ng isang aktres dahil sa huling pelikula niya, hindi nasunod ang script at lumabas na supporting siya ng kasamang aktres.

Hindi nilinaw ng aktres kung sa producer, sa scriptwriter, o sa director suma­ma ang loob niya, basta masama ang loob niya sa na­ging resulta ng pelikula. Sa binasang script ng aktres, marami siyang eksena, pero hindi kinunan ang mga eksenang ’yun at hindi na siya nagtanong.

Nang mapanood ang pelikula, saka na-realize na mas malaki ang papel at mas maraming eksena ang co-star at huli na para sa aktres ang magreklamo.

vuukle comment

ARNOLD CLA

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

DEREK MONASTERIO

DIREK GINA

IYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with