^

PSN Showbiz

Dingdong pinag-iipunan bawat rebulto ni Marian

- Veronica R. Samio -

May isang paraan si Dingdong Dantes ng pagpapakita ng kanyang pagmamahal kay Marian Rivera, at kakaiba ito, hindi nakikita sa mga katulad niyang nagmamahal. Ipinagpapagawa niya ng rebulto ang mga popular characters na gina­gampanan ng kanyang girlfriend sa screen - television or the movie screen. Hindi ito isang life sized na rebulto na ginagawang centerpiece sa mga fountain o ginagamit sa mga nitso sa sementeryo, hindi ito ganun kalaki. Hindi rin ito semento, more of a plaster of Paris pero mas mabigat. Maliit ito kung kaya kayang ilagay ni Marian sa loob ng kanyang bahay. Nauna na niyang tinanggap ang rebulto ni Darna. Siyang-siya dahil kamukhang-kamukha ito ng character na ginampanan niya, mula sa uniporme hanggang sa facial expression. Parang si Marian talaga, kupyang-kopya ang mukha niya.

Mula nang ipagawa ito ni Dingdong ay ngayong Pasko lamang madaragdagan. Sabi ni Marian ay dahil daw sa may kamahalan ang rebulto. Kasing halaga na rin ito ng life sized kundi man mas mahal. Mas mahirap gawin ang maliit dahil mahirap lagyan ng detalye.

Dyesebel ang pangalawang rebulto ni Marian. Excited na siyang malaman kung kasing-ganda ba ito ng naunang rebulto ni Darna.

Sabi ni Dingdong ay ipagagawa niyang isa-isa ang characters na na-portray na ni Marian katulad nina Marimar na siyang next request ng GF.

Later on, baka makasama rin si Super Inday at maging ‘yung kontrobersyal na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang dahil kahit pinipintasan ng orihinal na aktres na gumanap ng role ng babae dito, itinuturing pa rin ni Marian na isa ito sa pinaka-mahirap na ginampanan niya. Sayang at hindi ito nagustuhan ni Vivian Velez pero sinabi niyang ibini­gay niya ang kanyang best sa pagganap ng role niya rito.

Hindi kayang sabay-sabay na magpagawa ng rebulto si Dingdong dahil pag-iipunan niya ang bawat rebultong ipagawa niya.

vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

DARNA

DINGDONG DANTES

MARIAN

MARIAN RIVERA

NIYA

REBULTO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with