^

PSN Showbiz

Hinimatay, may series of test, Ruffa nakitang namumutla ng mga anak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nakakaloka ang balita tungkol kay Ruffa Gutierrez na nasagap ko kahapon.

Dinala kahapon si Ruffa sa ospital para sa series of test dahil nawalan siya ng malay.

 Natagpuan daw si Ruffa na nakahandusay sa sahig at namumutla ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Mabuti na lang, matatalino ang mga anak ni Ruffa kaya nakahingi agad sila ng tulong sa mga kasamahan nila sa bahay.

RPG may kinalaman ang asawa ni Lea

Hindi ako nakapunta kahapon sa launching ng Metro Manila Film Festival dahil may taping ako ng Tweetbiz.

Na-miss ko tuloy si Papa Jesse Ejercito na punong-abala sa filmfest na inaasahan na magiging masigla at successful kesa noong nakaraan na taon.

Walong pelikula ang kasali sa MMFF, ang Super Inday, Father Jejemon, Rosario, Shake, Rattle & Roll 12, Dalaw, Si Agimat at Si Enteng, Ang Tanging Ina Mo at ang RPG na isang animation movie.

Naiintriga ako sa RPG dahil hindi ko knows kung tungkol saan ang pelikula. Basta ang alam ko, may kinalaman sa project ang dyowa ni Lea Salonga na si Robert Chien. Co-produ sa RPG si Mama Malou Santos ng Star Cinema.

Asar Talo...last day na bukas

Last day na bukas ng Asar Talo, Lahat Panalo, ang game show ni Edu Manzano na papalitan ng Kapuso Movie Festival.

Temporary lang ang KMF habang inihahanda ng GMA 7 ang show na ilalagay nila sa mababakanteng timeslot ng Asar Talo. Nanghinayang ako sa maagang ending ng game show ni Edu dahil limpak-limpak din na salapi ang napapanalunan ng mga contestant. I should know dahil isa ako sa mga mapapalad na nakapag-take home ng cash prize!

Pagdarasal ni Mommy D. huling-huli

Nakita sa Facebook account ni Cristalle Belo ang exclusive picture ni Mommy Dionisia habang taimtim itong nagdarasal sa Dallas Cowboys Stadium sa laban nina Manny at Antonio Margarito noong nakaraang linggo.

Exclusive ang picture dahil ang camera lang yata ni Cristalle ang naka-capture sa eksena ng karakter na madir ni Manny. Nakatutok ang atensiyon ng mga photographer at cameramen sa bugbugan nina Manny at Margarito kaya nadedma nila si Mommy Dionisia.

vuukle comment

ANG TANGING INA MO

ANTONIO MARGARITO

ASAR TALO

CRISTALLE BELO

DALLAS COWBOYS STADIUM

EDU MANZANO

FATHER JEJEMON

JESSE EJERCITO

KAPUSO MOVIE FESTIVAL

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with