^

PSN Showbiz

Sexy actress may pasasabuging iskandalo laban sa isang aktres

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nung Biyernes lang nai-file ang Motion for Gag Order ng kampo ni James Yap kaugnay sa annulment case nito kay Kris Aquino.

Ang isang abogado ng opisina ni Atty. Lorna Kapunan ang dumating sa Branch 140 ng Makati-RTC para isumite ang motion na pag-aaralan pa ng korte.

Hindi kasama si James at wala rin si Kris pati ang mga abogado nito.

Ang paliwanag lang ng abogado ni James, magbibigay pa raw ang korte ng sampung araw para sagutin ito ng kampo ni Kris. Pagkatapos nun, saka dedesisyunan kung iga-grant ng korte ang isinampang Gag Order request.

Gaya ng sinabi noon ni Atty. Kapunan, sana tahimik na ang lahat na involved sa annulment case na ito lalo na sina Kris at James.

Wala na raw sanang may magpa-interview. Pati sa Facebook at Twitter account ay wala na rin daw sana tungkol sa kalagayan nilang mag-asawa o kahit ano na may kaugnayan sa kaso. Para na rin daw ito sa ikatatahimik ng buhay ni Baby James. (Ateng eh bakit siya panay ang pa-interview? Madalas siyang makita sa TV ha. – SVA)

TANONG : Mas type nga ba ni Mark Anthony Fernandez si Lovi Poe kesa kay Jennylyn Mercado?

Nang huling nakausap namin si Mark Anthony sa set ng Little Star, na­ramdaman naming mas type nito si Lovi kesa kay Jennylyn.

Ang palusot niya, may boyfriend na raw kasi si Jennylyn at dagdag pa niyang dahilan, kapag kaeksena raw niya si Lovi, parang nararamdaman daw niyang si FPJ ang kaeksena niya.

Pero nilinaw ni Mark Anthony na hindi rin daw siya puwedeng i-link kay Lovi dahil alam naman ng lahat na boyfriend din nito si Cong. Ronald Singson na sa pagkakaalam niya ay kamag-anak pa raw niya ito.

TOTOO KAYA ITONG text message sa akin ng isang dating sexy actress tungkol sa pakikipagrelasyon ng dati niyang ka-live in partner sa isang kilala at magaling na aktres?

Bahagi ng text nito sa akin: “Confirm si (pangalan nitong kilalang aktres) natutulog sa house namin. Four days straight na. Mga maid ko dun nagsabi.”

Matagal na raw siyang nakipaghiwalay sa lalaking dati niyang karelasyon pero magulo pa rin sila at kung hindi ito maaayos baka may isiwalat na malaking iskandalo itong dating sexy actress.

Nag-iingat lang daw siya ngayon dahil nasa maimpluwensiyang pamilya itong lalaking nakarelasyon niya noon.

TSIKA LANG : Bukas na magsisimula ang bagong game show ni Joey de Leon na papalit sa dating Spin It, Win It.

Ngayon naman ay Suwerteng-Suwerte sa Siyete : Press It, Win It na mas exciting at madaling mapanalunan ng mga manonood. 

Mapapakinggan din ito sa DZBB at lahat na mga RGMA radio stations.

vuukle comment

BABY JAMES

GAG ORDER

JAMES YAP

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KRIS AQUINO

LOVI

MARK ANTHONY

WIN IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with