^

PSN Showbiz

Charlene at Toni magsasalita na sa kanilang away!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isa sa mga pinaka-lovely na mag-asawa sa showbiz ay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Biniyayaan din ng twins na sina Atasha at Andres. Ayon kay Charlene ay lagi raw siyang pinanonood sa The Buzz ni Atasha at number 1 fan daw niya ito. “Kilala niya lahat ng artista at alam din niya lahat ng intrigang lumalabas sa The Buzz. Kasi pag-uwi ko, sinasabi niya, mama bakit sinabi ni ganyan so nagugulat ako kasi first name basis lahat ng artista, feeling niya kaibigan niya lahat ng artista,” nakangiting bungad ni Charlene.

Hindi maikakaila ang interest ni Atasha sa showbiz, papayagan kaya ni Charlene ang anak kung pasukin din nito ang industriya natin? “Hindi siya mag-aartista. That’s not part ng plano namin ni Aga, pero we won’t deny na may inclination siya sa arts. Mahilig siya sa music, drawing at singing. Kapag gumagawa kami ng commercials, mukhang may hilig na konti and I don’t know kung papayagan namin siya. She has to finish her studies and we haven’t talk about that. Si Andres, wala pa naman siyang sinasabi. They have to finish their studies first, hanggang doon na lang muna,” dagdag pa ni Charlene.

Ngayon ay napapabalitang inaaway daw si Charlene ng mga fans ng isa pa naming co-host na si Toni Gonzaga.

Paano nangyari ito? Sagutin na kaya ng dalawa ang mga isyu sa pagitan nila?

Abangan natin bukas sa The Buzz.

Maja Salvador magmamahal hanggang kamatayan

Nabansagan si Maja Salvador na Princess of Horror dahil sa mga blockbuster niyang pelikula na may ganitong tema. Mamayang gabi ay muli na naman tayong pahahangain ni Maja para sa kakaiba niyang pagganap para sa Halloween special ng Maalaala Mo Kaya.

Isa itong love story na mayroong mga kababalaghan. Tungkol ito sa pagmamahalan ng dalawang tao hanggang kamatayan, sa direksiyon ni Dado Lumibao at panulat ni Janice Cortez.

“Yung kuwento po nito, parang hanggang saan, kumbaga, magmamahal ka ba hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kumbaga kahit wala na ‘yung mahal mo, susundan mo pa rin ba siya doon,” maikling pahayag ni Maja.

Makakasama ni Maja sa episode na ito sina Felix Roco at Ejay Falcon.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AGA MUHLACH

ATASHA

CHARLENE

CHARLENE GONZALEZ

DADO LUMIBAO

EJAY FALCON

FELIX ROCO

JANICE CORTEZ

MAALAALA MO KAYA

MAJA

MAJA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with