^

PSN Showbiz

Shalani wala na talagang pag-asa, Kris kinikilig kina Noynoy at Liz Uy

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Showbiz na showbiz na talaga si Presidente Noynoy Aquino. Laman siya ng mga pahina sa showbiz.

Pang-showbiz talaga siya eh.

At heto ang latest sa kanya. Ayon sa isang source, si Liz Uy pala ang gusto ng mga kapatid niya para sa pangulo.

Yup, si Liz Uy, ang kanyang stylist na ex girlfriend naman ni John Lloyd Cruz.

Dagdag ng source, nangunguna sa pagma-match si Kris Aquino. Ito raw ang numero unong kinikilig sa bagong ‘loveteam’ sa Malacañang.

Matunog na matunog na wala na sina Presidente Noynoy at girlfriend niyang si Shalani Soledad na ngayon naman daw ay girlfriend ng ex-bf ni Pauleen Luna na si Mayor Sherwin Gatchalian.

Wait natin kung magkakatuluyan sina Presidente Noynoy at Liz.

Hindi ito malabong mangyari dahil parati silang magkabuntot dahil si Liz nga ang nag-aayos sa binatang presidente.

Samantala, milyong mga overseas Pinoy ang pinahanga ng Presidente Noynoy nang siya ay magpunta sa Amerika kamakailan. Lalo pa niyang pinatunayan ito nang mag-guest siya sa kanyang kauna-unahang town hall meeting na ginanap sa studio ng ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) sa Redwood City, California.

Ang Global P-Noy : Town Hall sa TFC ay ginawang posible sa pamamagitan ng puwersa ng ABS-CBN Global kung saan nagkaroon ng live points sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng London, Dubai, Tokyo, Los Angeles at New Jersey. Ipinalabas ito ng live sa pamamagitan ng ANC at napanood sa buong Pilipinas, kasama ng milyun-milyong mga Pilipino na naninirahan na sa ibang bansa.

*    *    *

Galing kay ateng LS.

Deserving naman talaga si Cong. Irwin Tieng ng Buhay Partylist na makabalik sa kongreso.

“Masayang-masaya ako na pinagkatiwalaan na naman ako at ang Buhay Party List ng ating mga kababayan,” sabi pa ni Cong. Irwin.

Si Cong. Irwin ang isa sa mga nagsulong ng Anti-photo and video voyeurism Act of 2009 o Cyberboso, ang pagpapababa ng amusement tax rate at ang anti cam-cording act na RA 10088 na ngayon.

Ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 o Republic Act 9995 ay nagbabawal sa pagkuha ng litrato o video ng sexual na gawain ng walang pahintulot mula sa taong nasa video o picture, ang pag-kopya o pagbenta, o paglathala, o pagpapalabas nito.

Si Cong. Irwin din ay tumanggap ng mga papuri mula sa showbiz nang maipasa ang House Bill 4637 bilang Republic Act 9640 o Lowering of the Amusement Tax Bill.

“Ang bagong batas ay nag-uutos na babaan ang amusment tax mula 30 percent hanggang 10 percent sa lahat ng kikitain mula sa admission rates sa mga sinehan, binago nito ang Section 140 ng Local Government Code ng 1991.

“Kailangan ng industriya ang tulong ng lahat para ito’y makabangon uli,” sabi pa ni Cong. Irwin.

Naipasa din ni Cong. Irwin ang anti-camcording bill para makatulong sa ating gobyerno sa pagsugpo ng piracy.

*    *    *

Nagtatawag daw sa mga dating sponsors niya ang isang TV host at nagdi-demand ng P1 million kada sponsor na ginagawa ng TV host nung nasa malakas na istasyon pa siya.

Ayon sa source, iniisa-isa raw nito ngayon ang mga dating nagbibigay sa kanya ng P1 million noong nasa malakas na channel pa ang naturang TV host.

Ang kaso, nag-iisip daw ang mga tinawagan niya. Paano naman daw magbibigay ang mga dating nahihiritan niya ng P1 million eh hindi pa naman sigurado kung papatok ang programa ng TV host at kung eere ba? Besides hindi raw alam ng ibang sponsors kung may audience ba ang TV host eh ang nangyayari lang naman daw ngayon ay puro mind conditioning ng mga kakampi. Ikinukundisyon ang utak ng marami na maraming naghihintay sa show eh parang hindi naman totoo.

No wonder nagkadatung siya nang pagkarami-rami dahil panay ang hingi niya na pag hinindian daw ay nagagalit.

vuukle comment

ANG ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

ANG GLOBAL P-NOY

IRWIN

LIZ UY

NAMAN

PRESIDENTE NOYNOY

REPUBLIC ACT

SI CONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with