^

PSN Showbiz

Gabby di nakatiis, bumalik sa kandungan ni Mother Lily

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bumalik sa kandungan ni Mother Lily Monteverde si Gabby Concepcion. Yes, ang numero unong Regal Baby noon sa piling ng kanyang itinuturing na pangalawang ina sa horror movie na White House. Bale homecoming din ito ng actor matapos mawala sa bansa ng mahigit isang dekada.

Mutual ang nararamdaman nilang excitement.

 Si Mother masaya dahil matagal niyang hindi nakasama ang ‘anak’ at si Gabby, na-miss ang ina ng Regal.

Alam naman ng lahat na box-office attraction si Gabby noong Regal baby pa siya. Para sa ‘di nakakaalam, kahit kanino siya ipareha, patok na patok ang pelikula niya basta’t kasama siya noon. “Kaya, maligaya ako,” masayang pahayag ni Mother Lilly.

Hindi nga kasi artista ang turing ni Mother Lily kay Gabby. Anak-anakan niya ito na kapag may problema, lagi siyang nakaalalay. In fact, nang bumalik ang actor sa Pilipinas at nasangkot sa kontrobersiya, isa si Mother Lily sa mga hiningan ng payo ni Gabby.

Kaya after nitong gumawa ng pelikula sa Star Cinema gaya ng box office hit na I Love You Goodbye with Angelica Panganiban at Derek Ramsay at I’ll Be There kasama ang anak na si KC Concepcion, si Mother Lily naman ang binigyan ng oras ni Gabby para sa isang pelikula. Pagtanaw na rin ito ng aktor ng utang na loob sa producer na mahalagang bahagi ng kanyang career noon.

Nakaatang kay Gabby sa kanyang bagong Regal movie, White House ang matinding role bilang isang espiritista na makikipaglaban sa mga multo at espiritu sa isang haunted house sa Baguio City.

Gaya ng ibang cast ng movie, nakaramdam din ng takot at pananayo ng balahibo ang aktor habang sinusyuting ang movie sa mansion na balitang pinamamahayan ng iba’t ibang uri ng multo.

Para kay Gabby, isang kakaibang karanasan ang nangyari habang sinu-shoot ang White House dahil sa mga misteryong nakabalot sa loob ng puting mansion sa Baguio.

Ang ilan pang cast ng movie na binalot ng takot habang nasa shooting ay sina Iza Calzado (na lumabas bilang Black Lady), Lovi Poe, Mo Twister, Maricar Reyes, Megan Young, Sarah Lahbati, Janus del Prado, Joem Bascon at Jarius Aquino.

Mula ito sa direksiyon ni Topel Lee na sa trailer palang ng movie, ramdam na ramdam ang kilabot na dating kaya inaasahang hahataw ito sa takilya.

Lotlot pagod na pagod na kay Pilita

Pagod na pagod na si Lotlot de Leon sa issue sa ex-mother in law niyang si Pilita Corrales.

Pakiramdam niya, luma na ang kuwento tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawang si Ramon Christopher dahil mag-iisang dekada na raw silang hiwalay ng kanyang dating papa.

“Para kasing kahapon lang kami naghiwalay. Magsa-sampung taon pero ‘yun pa rin ang pinag-uusapan. Pare-pareho na kaming naka-move on na,” sabi ni Lotlot sa presscon ng Koreana na parang naiirita na sa kuwento.

Kailan lang ay nagpa-interview ang kanyang ex-mother in law. Sinabi nitong ipinamigay ni Lotlot ang kanyang mga anak sa tatay nito kaya todo kayod si Ms. Pilita para tustusan ang kanyang mga apo.

“Nagta-trabaho rin naman ako,” sagot naman agad ni Lotlot.

Malabo rin daw mangyari ang sinasabi ni Ms. Pilita dahil ang katunayan merong susi ng bahay niya ang kanyang mga anak. “Pag gusto nilang pumunta, nakakapasok sila sa bahay ko. Minsan dinadatnan ko, natutulog na sila sa kuwarto,” sabi ni Lotlot.

Hindi raw kasi siya ang tipo ng artista na naghuhugas at nagkakalat ng dirty linens sa public kaya hindi siya nagsasalita tungkol dito dahil pakiramdam niya, lumang issue na at wala nang saysay.

Pauleen nag-deny sa Laplapan nila ni Kc

Nagulat ako, biglang tumawag si Pauleen Luna kahapon. ‘Yup, personal niyang dinenay ang lumabas sa ShowMy na naglaplapan sila ni Kc Montero sa pool side ng bahay ni Allan K kamakailan.

Magkaibigan lang daw sila ni KC at siguro raw kung gagawin nila ‘yun hindi nila ililihim dahil pareho naman silang walang sabit.

“Si KC nagi-enjoy pa siya dahil kakahiwalay pa lang niya,” sabi pa ni Pauleen.

vuukle comment

ALLAN K

ANGELICA PANGANIBAN

BAGUIO CITY

GABBY

KANYANG

LOTLOT

MOTHER

MOTHER LILY

MS. PILITA

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with