^

PSN Showbiz

Gary V. nagalit sa nangyari kina Annabelle at Angeli

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sobrang enjoy si Gary Valenciano sa pagko-co-host ng Twist & Shout ng ABS-CBN at okay sa kanya kung mai-extend ito, pero ang alam niya, one season lang ang show nila ni Martin Nievera at magtatapos na sa November.

Dahil sa show, malaki ang na-improve sa Ta­galog ni Gary V. at hindi na siya nagbabakel bang­gitin ang mahihirap na Tagalog words. Ibang ex­citement din ang bigay sa kanila ni Martin sa pagho-host ng show.

Pinaghahandaan ni Gary ang provincial tour ng AS 1 nila ni Martin at may series of shows siya sa Music Museum billed Soul in Motion. Happy si Mr. Pure Energy dahil katulong niya sa pag-aareglo ng ibang kanta ang anak na si Gab Va­­lenciano at guests sina Paolo at Kiana Va­lenciano.

Samantala, pinasalamatan ni Gary ang media dahil hindi na pinalaki ang conflict nina Annabelle Ra­ma at wife niyang si Angeli Pangilinan-Valen­ciano sa birthday party ni Ogie Alcasid. Kahit hindi naging maganda ang pagkikita nina Annabelle at Angeli, thankful ang singer na okay na ang misis niya at si Ruffa Gutierrez.

“Nagalit ako sa nangyari dahil kundi ako nagalit, anong klaseng asawa ako? I respect Tito Eddie (Gutierrez) at kahit ’di pa kami nagkakausap ni Tita Annabelle, in my heart, okay na kami. Sana, hindi na lang maulit,” sabi ni Gary V.

*    *    *

Nakita namin si Direk Jerry Lopez Sineneng dala-dala ang makapal na script ng Dalaw, ang horror film na pagbibidahan ni Kris Aquino na en­try sa 2010 Metro Manila Film Festival at isa ang TV host-actress sa producer, together with Deo Endrinal and Star Cinema yata.

Sa Sept. 8 na ang storycon at Sept. 15 ang first shooting day. Kasama ni Kris sa cast sina Die­ther Ocampo at Coco Martin, baka hindi maka­sama si Mariel Rodriguez dahil may gagawin itong pelikula with Robin Padilla.

Magiging busy si Kris dahil bukod sa pelikula, sisimulan niya sa October ang Deal Or No Deal na papalit sa Pilipinas Win na Win. Wala pang ba­lita kung sinu-sino ang makakasama ni Kris sa ibinabalik niyang game show.

*    *    *

Nakaharap at nakausap namin ang mga hosts ng Juicy ng TV5 at masaya nilang ibinalitang simu­la bukas, twice na mapapanood ang show. Una sa 11:30 a.m. at ka-back-to-back ang Face to Face ni Amy Perez at may replay sa 11:30 p.m.

Nag-unahan din sa pagbabalita sina Alex Gon­zaga, IC Mendoza, at Shalala na from 45 minutes, one hour na ang show. Ibinalita ni Cristy Fermin na ’pag Thursday, live sila, kaya abangan ang mas maraming showbiz news.

Request ng mga viewers na ilipat sa mas maa­gang time slot ang show na pinagbigyan ng TV5, pero dahil may viewers na sila sa gabi, ire-replay ang show. Sa bago at mas mahabang time slot, required ang lahat na magbigay ng blind item, kaya ang tanong, hindi na sila natatakot na masira ang relasyon nila sa kapwa celebrities?

Hindi takot si Alex, pero madalas siyang tanungin ng mga kaibigan kung bakit sila bina-blind item (BI)? Pinaghinalaan pa ang ate niyang si Toni Gonzaga at ina na source ng mga BIs na ABS-CBN talents. Si IC, ang hindi niya ka-close ang ibi-BI at ’yung ka-close ang ibang hosts ang bahala.

Pinaka-kuwela si Shalala dahil may reenactment ang mga blind items at matutuwa si German Moreno sa sinabi nitong hindi niya ito iiwan at regular na uli siya sa radio show nila sa DzBB.

*    *    *

Sa pagpapatuloy ng Say I Do episode ng Love Bug, natuloy ang kasal nina Faye (Lovi Poe) at Alvin (Mark Anthony Fernandez), pero susundan sila sa honeymoon nina Chona (Carmi Martin) at Uly (Joey Marquez) para mag-sorry. Uutusan sila ni Alvin na magkulong sa kabilang kuwarto at ayusin ang kanilang problema.

Ang problema, nagkabalikan sina Chona at Uly at ayaw itong mangyari ni Alvin. Malalaman din nitong tinulungan ni Faye na magkasundo ang mga ma­gulang. Matuwa o magalit kaya si Alvin? Panoorin mamaya after Party Pilipinas.

vuukle comment

ALEX GON

ALVIN

AMY PEREZ

ANGELI PANGILINAN-VALEN

DAHIL

GARY V

SHOW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with