^

PSN Showbiz

Pelikula nina Stallone, Arnold, atbp. patok na patok

-

MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ng mga Pinoy ang hilig nila sa mga action movies lalo pa at ang mga naglalakihang action stars gaya nina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, at Bruce Willis ang nagsama sa unang pagkakataon sa pelikulang The Expendables. Kumita ito ng 25 million pesos sa tatlong araw simula ng magbukas sa mga sinehan noong Biyernes, Agosto 13.

Ang lakas sa box-office ng The Expendables ay dahil na rin sa iba pang mga kasama sa pelikula ng mga naglalakihang action stars din sa Hollywood tulad nina Jet Li, Dolph Lundgren, Mickey Rourke, Steve Austin, at Jason Statham.

Bilang writer-director ng pelikula, minabuti ni Stallone na magpugay sa mga eksplosibong action movies noong ’80s at ’90s na halos walang tigil ang barilan, habulan, at bakbakan na sulit na sulit sa panlasa ng mga action fans sa buong mundo.

Palabas pa sa mga sinehan at patuloy na pinipilahan ang The Expendables. Mula ito sa MVP Pictures at pinamamahagi sa Pilipinas ng Viva International Pictures.

Huwag palagpasin ang pagkakataon na makita ang mga bida sa Rambo, Terminator, at Die Hard na sama-sama sa isang pelikula dahil baka hindi na ito maulit pa.

vuukle comment

ARNOLD SCHWARZENEGGER

BRUCE WILLIS

DIE HARD

DOLPH LUNDGREN

JASON STATHAM

JET LI

MICKEY ROURKE

STEVE AUSTIN

SYLVESTER STALLONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with