^

PSN Showbiz

Sikat na TV host namimili ng kausap

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Hindi rin pala maganda ang ugali ng sikat na TV host na ito dahil namimili siyang kausap na writer. Kapag tsika na niya ang mga writers ay super sweet siya pero kapag hindi niya kilala ay kay lamig nang pakikitungo nito.

Minsan kasi ay nilapitan siya ng isang respetadong lady columnist dahil ini-refer siya rito dahil may problema ang anak ng isa ring writer. Komo ang programa nito ay puwedeng idulog ang problem ay nagpunta dun ang columnist at kinausap ang lady TV host. Hindi man lang ito ngumingiti at habang kinakausap ay parang kay tabang-tabang sa pakikipag-usap sa lady columnist.

‘‘Hindi rin pala maganda ang kanyang ugali. Akala mo sweet at mabait (daw) pero taliwas sa tunay na pagkatao. Namimili pala ito ng mga kausap. Hanga pa naman ako sa kanya noon dahil magaling na newscaster pero supladita rin pala,’’ anang lady columnist.

*   *   *

Masaya ang kabuuan ng presscon ng Jejemom at unang tanong pa lang kay Eugene Domingo ay kung ano ang reaksiyon sa bansag sa kanya bilang Dean of Comedy at tila naungusan na si AiAi delas Alas.

‘‘Okay lang sa akin kahit wala akong titulo o bansagan ng Dean of Comedy. Walang queen-queen sa akin at walang problema sa amin ni AiAi,” sabi ng komedyana. “Nagpapasalamat ako sa malaking break na ipi­nagkaloob sa akin ng Spring Films dahil sa Kimmy Dora kung saan nag­karoon ako ng pangalan.’’

Bongga ang career ngayon ni Uge at sa dami ng mga shows, hindi naman ito natatakot sa over exposure dahil katuwiran nito ay iba’t iba naman ang genre ng show niya at iba’t ibang karakter din ang ginagampanan.

Simula sa Aug. 14 ay mapapanood na ang Jejemom pagkatapos ng Kaya ng Powers Ko sa GMA 7.

*   *   *

Kasama rin sa Jejemom si Robert ‘‘Buboy’’ Villar at sa murang edad nito ay nakakatulong na sa kanyang pamilya dahil mula sa kinikita sa pag-aartista ay nagkaroon ito ng bahay sa Commonwealth at ngayon ay under renovation na. Nakabili na rin ito ng van na ginagamit niya kapag may taping o shooting. Higit sa lahat ay pinag-aaral nito ang bunsong kapatid na lalaki na Grade III na.

Kahit abala sa taping ng Jejemom ay regular itong pupil sa Academia de Santa Faustina kung saan Grade V na ang young actor.

Lahat ng kanyang kinikita ay nakatabi sa bangko para sa matatag na kinabukasan.

Saludo ito sa kabaitan ni Uge dahil sa pagiging super bait nito kahit na artista.

“Para siyang ate, nanay, at Lola,’’ bulalas ng bata na ikinatawa ng press.

vuukle comment

DAHIL

DEAN OF COMEDY

EUGENE DOMINGO

GRADE V

JEJEMOM

KIMMY DORA

POWERS KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with