^

PSN Showbiz

Jovit pinalakpakan ni P-Noy!

-

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng minor changes sa title ng programang papalit sa Wowowee na magsisimula sa Sabado. Magiging Pilipinas Win Na Win, from Pi­lipinas For The Win.

Mas maganda ang bagong title. Mas malakas ang recall.

Anyway, marami nang excited sa ipapalit na programa lalo na nga’t pinagsama sina Robin Pa­dilla and Kris Aquino na parehong malakas ang dating sa audience.

Pero walang pagbabago sa mga host ng Pi­lipinas Win Na Win. Ka join pa rin nina Kris at Robin sina Pokwang, Mariel Rodriguez, and Valerie Con­cepcion.

Samantala, true pala na may offer sa host ng mawawalang programang Wowowee. Yup, pero hindi na daily, once a week show na lang ang offer ng ABS-CBN kay Willie Revillame. Pero wala pa raw final na pinag-uusapan kung tatanggapin ito ng TV host o hindi.

At least nga naman hindi puwedeng sabihin ng TV host na hindi siya inoperan ng Dos.

Kung sabagay ang kampo niya mismo ang nagsabi noon na nagkakasakit si Revillame sa Wowowee kaya siguro naman ay wala siyang panghihinayang na titigbakin na ang nasabing programa.

Teka maka-gold pa kaya ngayon ang album ni Revillame na nawalan na nga ng programang pu­wedeng i-play ang kanta mula sa simula hang­gang matapos ang programa?

* * *

Wow, kitang-kitang pinapalakpakan ni Pre­si­dente Noynoy Aquino ang Pinoy Got Talent Grand champion na si Jovit Baldivino.

Ang suwerte kasi nitong si Jovit. Nang siya na ang tatawagin para kumanta sa programa ng 24th anniversary ng Philippine Star na ginanap sa Philippine Star Building kahapon, tamang-tama naman ang pagdating ng pangulo.

So nakinig si P-Noy sa kanta ng bagitong si Jovit na ang liit pala in person pero hanep bumanat sa kantahan. Parang mababasag ang buong fourth floor ng opisina namin nang bumanat na siya ng Too Much Love Will Kill You and Faith­fully.

Maging ang aming publisher/CEO/President Miguel Belmonte ng Star Group of Publications ay bumilib sa banat na kanta ni Jovit.

Kasama rin sa nasa audience sina Speaker Son­ny Belmonte and DFA Sec. Alberto Romulo at maging sina Mr. Kevin and Isaac Belmonte, Ms. Glory Go, at iba pang editors and officials ng Philippine Star.

Pero bago bumanat ang baguhang singer na sumikat sa programa ng ABS-CBN, nauna nang nag-duet sa celebration ng Philippine Star ka­hapon sina Cong. Manny Pacquiao at Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Game na game ang dalawa na nag-duet ng Natutulog Pa ang Diyos.

Siyempre, maligayang-maligaya ang buong opisina sa duet nila.

Nag-perform din ang PGT finalist na sina Mark­ki Stroem, Ezra Band, Velasco Brothers, and Sherwin Baguion.

Lahat sila ay nagpakitang-gilas na mas naka­dagdag ng saya sa celebration ng anniversary ng Philippine Star.

Pero highlight ng event kahapon siyempre si P-Noy. Kakanta sana siya ng Happy birthday pero na­alala niya, anniversary nga pala ang pinun­tahan niya. Sabay tawa ng bagong presidente na cool na cool.

Very light ang kanyang speech at ang saya.

Next time daw, dadalhin niya ang mga kapatid niya para merong chorus.

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

EZRA BAND

FOR THE WIN

GARY VALENCIANO

GLORY GO

JOVIT

PERO

PHILIPPINE STAR

SHY

WOWOWEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with