^

PSN Showbiz

Jewel madalas ka-join sa party ng pamilya Gutierrez

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Invited pala si Jewel Mische sa 7th birthday party ni Lorin Bektas, eldest daughter ni Ruffa Gutier­rez na ginawa sa Wack Wack Golf & Country Club last Sun­day. Nakita namin ang picture nina Ruffa at Jewel sa Twit­ter account ni Ruffa na siya mismo ang nag-post.

Magandang sen­yales ito at kundi kami nagka­ka­mali, hindi ito ang first time na du­malo si Jewel sa fa­mily event ng Gu­tierrez family. ’Katuwa rin na magka­sama sina Jewel at Ritchie Paul Gutierrez sa Pil­yang Kerubin at mga pulis ang role nila.

Ilang beses na kaming bumisita sa set ng Pilyang Kerubin pero hindi pa namin natiti­yem­puhang ma-interview sina Jewel at Ritchie Paul.

* * *

Kinikilig at nangingislap ang mga mata ni Jen­nica Garcia ’pag nababanggit ang pangalan ni Alwyn Uy­tingco, pero hindi maaming BF niya ang actor. Pati nga si Carl Guevarra na kasabay ni Jennica na guest sa Pilyang Kerubin, natawa sa pakiu­sap ng aktres na ’wag naming isulat na BF na niya ang actor. Pati status hindi masabi kung “single” o “in a relationship” siya.

Pero sa latest tweet ni Jennica, nakasulat ang buong pangalan ng BF na Cipriano Alwyn Sumu­long Uytingco at wala nang isinulat na iba. Itinang­gi rin ni Jennica na bad influence sa kanya ang BF dahil mabait ito at hindi siya sasama sa tao kung hahatakin lang siya pababa.

Samantala, nagsimula nang tumakbo ang istorya nina Jennica bilang si Betty at Carl bilang si Carding. Gugulo sa kanila si Iwa Moto bilang si Eva. Taong-baboy si Jennica rito kaya may prosthetic ng nguso ng baboy.

* * *

Laugh trip ang tsika sa amin tungkol sa stage mother, ina ng isang female young star na napa­panood sa isang primetime soap. Galit na nagrek­lamo ang ina ng young star sa staff ng show ng anak dahil bakit daw pinagsusuot ito ng one-piece swimsuit gayung bata pa ito.

Ang katuwiran ng staff, sa beach ang eksena at awkward kung ang young star lang ang hindi naka-swim­suit. Nag-suggest ang staff na hindi na lang isa­ma sa eksena ang young star, pero hindi pu­mayag ang ina’t mababawasan ang exposure ng anak.

Ang nakakatawa, habang nakikipagtalo si madir sa staff at talagang ayaw pagsuutin ng one-piece swim­suit ang anak, naka-two-piece swimsuit siya. In the end, walang nangyari ang pagtutol niya dahil ang director din ang nasunod.

* * *

Two taping days na lang ang Diva at matatapos na ito sa Friday after 22 weeks of successful airing. Isa sa mga nalulungkot sa pagtatapos ng kantaserye ay si Jaya na gumaganap sa role ni Barang na bestfriend ni Melody (Regine Velas­quez) dahil naging close ang buong cast.

Tsika ni Jaya, akala niya dahil soap ang gagawin, iiyak lang siya, pero dito ay nagdrama siya, nag-co­me­dy, at kumanta. Kung magka­karoon ng Book 2 ang Diva, gugustuhin pa rin niyang mapasama at hin­­­­di mamamatay ang karakter niya at iba ang namatay.

Magtatapos ang Diva na may bagong Mac­Book lap­top si Jaya na bigay ni Regine bilang giveaway pre­sent sa cast. Narinig lang daw nitong nagrereklamo siya sa kanyang laptop at nagulat na lang nang regaluhan siya ng Apple laptop.

“Pinag-isipan niya kung ano ang ibibigay sa ba­wat isa, kung ano ang kailangan, ’yun ang ibi­nigay niya. Kaya may binigyan ng bag, shoes, cell phone at kung anu-ano pa.

“Iba talaga si Regine, alam niyang she’s the boss of the show, but the way she handles her co-stars, staff and crew, she’s very giving,” patung­kol ni Jaya kay Regine.

vuukle comment

ALWYN UY

CARL GUEVARRA

CIPRIANO ALWYN SUMU

COUNTRY CLUB

JAYA

JENNICA

PILYANG KERUBIN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with