^

PSN Showbiz

Mga artistang naka-wangwang sumuko sa kampanya ni P-Noy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sa totoo lang, walang masyadong isyu ngayon sa showbiz at puro galing sa presscon ang news tungkol sa mga artista.

Maingat na rin kasi ang ibang mga celebrities. Low profile ang drama nila dahil ayaw nilang makalkal ang kanilang mga pribadong buhay.

Hindi na masyadong pinag-uusapan ang paghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap. Nasa­wa na rin ang mga tao sa drama ng buhay ng mag­dyowa. Pinaglalaruan na lang nila ang sitwasyon dahil pati ang name ni Hope Centeno, nauungkat uli.

The who si Hope? Siya ang girl na nag-claim na nakarelasyon ni James noong konektado pa siya sa Belo Medical Clinic.

Unfair na ungkatin pa ang nakaraan nina James at Hope dahil matagal na itong nananahimik. Let’s hope na huwag nang kalkalin ang naging bahagi ni Hope sa buhay ni James.

* * *

Hindi ibinibigay sa akin ng isang actor/poli­tician ang kanyang contact number. Afraid siguro ang actor/politician na kulitin ko siya tungkol sa relas­yon niya sa isang popular actress.

Nagkakamali ang actor/politician kung ’yon ang akala niya dahil wala akong balak na makisawsaw sa lovelife nila. Tama na ’yung alam ko ang tunay na estado ng kanilang relasyon!

* * *

May mga artista na apektado ng panghuhuli ng mga traffic enforcers sa mga motorista na gumagamit ng wangwang.

Maaga na silang gumigising para hindi ma-late sa kanilang mga appointments at showbiz commitments.

Nagkusa ang mga artista na tinutukoy ko na alisin ang mga wang­wang sa kanilang mga sasakyan bilang pakikiisa sa kampanya ni President Noynoy Aquino.

* * *

Nadagdagan ang paghanga ko kay Sarah Geronimo nang mala­man ko na ito ang nag-make up sa sarili niya nang umapir siya kahapon sa presscon ng Hating Kapatid.

Gandang-ganda ako kay Sarah kaya ang akala ko, isang professional makeup artist ang naglagay ng make-up sa kanyang face. Hindi pala dahil siya mismo ang nag-make-up sa sarili.

O ’di ba, napaka-professional ni Sarah? Hindi siya kagaya ng ibang artista na umaasa sa ibang tao. Sila ’yung mga prima donna na hindi mapapapunta sa isang okasyon kung walang mahusay na make-up artist na magpapahid ng kolorete at punda sa kanilang mukha!

Dahil marunong mag-make up si Sarah sa sarili, nakatipid siya ng oras at datung na ibabayad sa isang professional make-up artist!

Bago ko makalimutan, showing sa leading theaters ang Hating Kapatid na isang feel-good movie kaya nararapat na panoorin ng madlang-bayan. Ang Hating Kapatid ang last movie ni Judy Ann Santos bago niya isilang ang baby boy nila ni Ryan Agoncillo.

vuukle comment

ANG HATING KAPATID

BELO MEDICAL CLINIC

HATING KAPATID

HOPE CENTENO

JAMES YAP

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

NOYNOY AQUINO

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with