^

PSN Showbiz

Bernadette hindi nanghihinayang kay Noynoy

- Veronica R. Samio -

Mukhang bigatin ang bagong programa na iho-host na magkasama nina Martin Nievera at Gary Valenciano para sa ABS-CBN, ang Twist and Shout, isang franchise mula sa Zodiac Enter­tainment, isang kilalang produksiyon at distri­bution group na napapanood din sa mga bansang France, India, UK, at Indonesia. Mainit ang pag­tanggap ng manonood sa programa sa mga ban­sang nabanggit sa titulo nitong Sing If You Can.

Totoo, isang singing contest ang Twist and Shout pero, kakaiba ito sa mga napapanood natin.

First time ito nina Martin at Gary V. na mag-host na magkasama kaya mai-imagine n’yo ang gastos ng produksiyon sa TF pa lamang nila. Sa mga ibang bansa na kung saan napapanood ang Twist and Shout, isa lamang ang host, sa Pilipinas lamang dalawa kaya excited ang lahat na makita kung magkakatulungan ang dalawa o magka-clash ang personalidad nila.

For the first month, mga celebrities ang magi­ging mga contestants.

Mapapanood ang Twist and Shout simula ngayong Sabado, July 3, 8:45 ng gabi at mapa­panood din ito tuwing Linggo. At sa mga susunod pang Sabado at Linggo.

* * *

Natatawa na lamang si Bernadette Sembrano kapag tinatanong kung wala ba siyang pagsisising nada­rama na hindi sila nagkatuluyan ng bagong halal na Pangulong Noynoy Aquino. Sana raw ay siya na ang First Lady ngayon.

 “Masaya ako para sa kanya pero wala akong pang­hihinayang na nadarama dahil nakilala ko ang aking asawa at siya naman ay nakakita na rin ng bagong mamahalin,” anang maganda at ma­galing na news anchor na dalawang taon nang hap­pily married. Wala pa silang anak pero hindi sila nagmamadali, matiyaga nilang hinihintay kung kailan sila pagkakalooban ng anak ng Panginoon.

Kasabay ng inagurasyon ni P-Noy ngayong araw na ito ay magsasanib puwersa ang pinakasariwang balita at modernong teknolohiya sa TV Patrol at Bandila ng ABS CBN.

* * *

Usung-uso na sa mga nanalong kandidato sa katatapos na eleksiyon na pumili ng mga taong magpa­pasumpa sa kanila.

Nung Lunes, June 28, pinasumpa si Senator-elect Bong Revilla ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang magarbong pagdiriwang na ginanap sa One Esplanade, isang bagong events venue sa Pasay City, malapit sa SM Mall of Asia.

Sinamahan si Sen. Bong sa kanyang pagdiriwang ng maraming colleagues niya sa Senado tulad nina Senador Miguel Zubiri at Kiko Pangilinan, mga kapawa artistang sina Phillip Salvador, Ronnie Ricketts, ang buo niyang pamilya na pinangungunahan ni dating senador Ramon Revilla, asawang si Lani Mercado na isa na ring congresswoman, mga anak, manugang at apo, mga kapatid at ang pami-pamilya nila.

Marami ring mga kaibigang pulitiko si Bong na dumating sa okasyon, nama­taan ko ang bagong halal sa board member ng Laguna na si Angelica Jones, sina Kuya Germs (German Moreno) at mga bossing ng GMA 7, mga local and provincial government officials at napakaraming tao na nagmamahal at humahanga sa reeleksiyunistang senador.

Tinanong si Sen. Bong kung bakit sa aalis nang pangulo na si GMA siya nagpa­sumpa, sinabi niyang malaki ang utang na loob niya rito at ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para matupad ang pangarap niyang makapagsilbi sa bayan.

Sa isang maikling pakikipag-usap sa napaka-popular at numero unong senador, sinabi nito na may pinaplano siyang pelikula para sa Metro Manila Film Festival na pagsasamahan nila ni Vic Sotto. Isa sa naiisip niyang titulo ay Agimat ni Enteng.

vuukle comment

ANGELICA JONES

BERNADETTE SEMBRANO

BONG REVILLA

FIRST LADY

GARY V

GARY VALENCIANO

GERMAN MORENO

SHY

TWIST AND SHOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with