^

PSN Showbiz

GMA at 60, The Heart of Television ngayong Linggo na sa SNBO

-

MANILA, Philippines - Bilang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng GMA Network, mapapanood ngayong Linggo ang isang bongga at makasaysayang selebrasyon na pina­magatang GMA at 60, The Heart of Tele­vi­sion pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa SNBO.

Labindalawang production numbers na pag­bibidahan ng mga naglalakihang Kapuso stars ang mapapanood sa isang gabing puno ng saya at pagbabalik-tanaw. Ang bawat isa ay may es­pesyal na tema at siyang gugunita sa mga naging kon­tribusyon ng Kapuso Network sa industriya.

Magsisimula ang presentasyon sa isang mu­sical account na sumasalamin sa mahabang ka­saysayan ng GMA simula nang ito’y itatag noong de­kada ‘50 hanggang sa maging isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-matagumpay na media con­glomerate sa bansa.

Susundan ito ng isang nakakatawang theatrical showdown ng mga nakalipas at kasalukuyang gag shows at sitcoms na pinasikat ng Kili-TV Block. Tiyak na mamimilipit sa katatawa ang mga ma­no­nood habang isa-isang binabalikan ang mga prog­ramang bumubuo sa makulay na GMA Co­medy timeline.

Mula sa comedy, sasabak naman ang grupo ng Drama na binubuo ng Telebabad at Sinenovela Block na maghahandog ng isang madamdamin at star-studded na production number. Babalikan ang ilan sa mga di-malilimutang primetime hits na napa­nood sa Kapuso Station kasama ang mga pina­ka-maniningning at tinitingalang bituwin ng drama.

Di naman pahuhuli ang pinaka­pinagka­katiwalaang GMA News and Public Affairs na may sariling musical presentation tungkol sa 50 taon nitong paghahatid ng balita at pagbibigay ng serbisyong totoo sa bawat Pilipino. Ipapakita rin sa segment na ito ang mga technological advance­ments at infrastructures na kasalukuyang gina­gamit ng GMA sa pamamahayag.

Ilan pang kaabang-abang na highlight ng gabing ito ang isang collaboration ng mga song and dance numbers ng mga homegrown talents ng GMA, isang presentation tungkol sa GMA Pinoy TV at ang lalong lumalawak nitong listahan ng mga bansa kung saan ito napapanood, at ang pinaka-aabangang announcement ng mga nalalapit na Kapuso shows na mapapanood ngayong 2010.

vuukle comment

AMAZING STORIES

GMA

HEART OF TELE

ISANG

KAPUSO

KAPUSO NETWORK

KAPUSO STATION

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with