^

PSN Showbiz

Robin hindi kinaya ang apat na asawa, Mega nakaukit sa kanyang dibdib

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

anagement decision at hindi raw ang nang­yaring bangayan sa pagitan nina Maxene Magalona at Pauleen Luna ang rason kaya shelved na ang pagsasamahan nilang prog­rama, Bakit Kay Tagal ng Sandali?

“Clarification lang po. Nagkaayos na po sina Max at Pauleen, kaharap po si ’Nay Lolit (Solis, manager ni Pauleen, Ms. Pia Magalona, and program manager. It’s not true na ’di nagkaayos sina Pauleen and Maxene kaya hindi tuloy ang Bakit Kay Tagal…,” sabi sa text ni Jhops Cruz ng GMA Corporate PR.

Pinalitan na ang nasabing project ng Trudis Liit.

Nang tanungin sila kung kasama pa sina Maxene at Pauleen sa ipapalit na programa, ’di raw alam ni Jhops.

* * *

Ngayon lang nabunyag na nakatatak pala sa dibdib ni Robin Padilla ang pangalan ni Megastar Sharon Cuneta. Yup, nabuking lang ito kahapon sa programa ni Karen Davila sa ABS-CBN News Channel (ANC), Headstart.

Actually, interesting ang mga sagot ni Robin sa interview ni Karen. Like sinabi niyang kuya niya si Rustom (BB Gandanghari) pero ngayon ay mas bata na ito dahil “bagong panganak” as in bagong silang dahil babae na ito ngayon.

“Wala akong puwedeng sisihin sa nangyari kay BB. Siya ay nasa edad na. Kung anuman naging desisyon niya, ’yun siya eh,” sabi ni Robin sa nasabing interview.

“Ako, hindi ko pa tanggap na nagkaganun si BB. Hindi naman ako sanay na ganun siya. Masaya lang siya, kaya okay na.”

Nang tanungin siya ni Karen kung willing siyang tumakbo sa public office, wala raw siyang balak dahil happy na siya sa showbiz.

Tinanong uli siya ni Karen: “Kaya mo ba ng 4 (na asawa)?”

“Ginawa ko na nga ’yun dati, hindi kinaya, kaya ngayon nagpa-fasting ako,” sagot ng action superstar na hanggang ngayon ay hindi nababawasan ang appeal sa mga kababaihan.

“Ano ’yung nagbago sa ‘yo?” tanong uli ni Karen.

“Kumonti ang dalaga. Akala ng karamihan, dumami. Nagkaroon ng limit, nawala yung ‘hit and run,’” sagot uli ni Robin na nagsabing wala naman siyang pinapanigang relihiyon dahil siya’y naging Kristiyano muna bago naging Muslim.

Samantala, hindi naman niya sini-seryoso ang demanda sa kanya dahil sa pagi-endorse ng condom.

“Hindi naman ako nakahubad noon, hindi ko naman suot ’yun. Naniniwala kasi ako sa adbokasiyang ’yan. Kung tayo ay mas dadami pa, pinalalaki lang natin ang problema,” sagot ni Robin kay Ms. Karen na uploaded agad sa YouTube ang naturang interview.

Samantala, sumunod lang daw siya sa usapan na two weeks lang siyang tatagal sa Wowowee kaya tinupad niya ’yun.

vuukle comment

BAKIT KAY TAGAL

JHOPS

KAREN DAVILA

LANG

PAULEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with