^

PSN Showbiz

Jolo gumaling umarte sa Dos

- Veronica R. Samio -

Malapit nang mamaalam ang First Time sa ere. Nakatakda na itong mag-last taping. Ngayon pa lamang ay nalulungkot na ang cast ng serye, lalo na ang mga kabataang tampok dito dahil nagkahulihan na sila ng loob, naging malalapit na magkakaibigan.

Pinaka-malungkot ay ang fans ni Jake Vargas. Hindi na kasi kasama ang kanilang idolo sa kasu­nod na serye na pinamagatang Pilyang Kerubin na magtatampok muli sa tambalan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. May ibang plano raw para sa kanya ang GMA 7. Ayaw nilang ma-identify na pang-love triangle lamang si Jake, kaya isasa­ma muna siya sa serye na mag­tatampok naman kay Aljur Abrenica. Narinig kong mayroon daw siyang kapareha rito. Hindi nga siya maa-identify na pang –triangle pero obviously, bumaba ang rang­go niya, balik na naman siya sa pagiging suporta eh sa First Time, sila nina Barbie at Jo­shua ang mga bida.

* * *

Maganda naman ‘yung ginawang pagsagot ni Kris Aquino sa mga pagpapaalis na ginagawa sa kanya ng marami hindi lamang sa internet kundi maging sa mga diyaryo. Matagal ding hinintay ng marami ang magiging reaksiyon niya rito. At least ngayon, alam na nila ang saloobin niya tungkol dito.

Tama siya, she worked hard for the candidacy of Noynoy, physically and financially, dapat la­mang na nasa tabi siya ng kapatid at sumusu­por­ta sa bago at mapaghamong tungkulin nito. Ka­i­la­ngan nito ang suporta nilang lahat na mag­kakapatid.

But in fairness, sa kanya nanggaling ang ideya ng pag-alis kapag nanalo ang kapatid, kaya sana naman, next time na magbitiw siya ng salita, paka­isipin muna niya para hindi sila malagay sa ala­nganin.

Samantala, if ever mag-decide siyang iwan ang showbiz at mag-con­centrate na lamang sa pagtulong sa bagong presidente, mag-iiwan siya ng malaking puwang sa showbiz. Pero tulad nga ng unang naisulat ko na, lahat ng nagaganap sa pamilya niya ay nakatakda na, nakaguhit at hindi na mababago. 

* * *

Nakita ko sina senator-elect Bong Revilla, congresswoman-elect Lani Mercado at ang anak nilang si Jolo Revilla sa bakuran ng GMA 7 nung Lunes. Inaabot ng personal ni Lani ang donasyon nilang pamilya sa golf-tournament na itinaguyod ni Kuya Germs (German Moreno) para makalikom ng pondo na pantulong sa kanyang Walk of Fame Philippines na matatagpuan sa Eastwood Libis.

Kasama ng pamilya si Manay Lolit Solis na panay ang papuri kay Jolo sa napaka-husay nitong performance sa serye sa kabilang istasyon na Agimat ni Ramon Revilla. Hindi raw ganun kagaling umarte si Jolo nung nasa GMA pa ito. Wala raw itong ginawa kundi ang manligaw kaya naka­dalawang girlfriend bilang Kapuso, ang anak ni Rosanna Roces na si Grace at si Lovi Poe. Ngayon daw ay wala itong nililigawan kaya nabibigyan ng focus ang kanyang pag-arte kaya mas humusay na. Tatawa-tawa lamang ang binata ng mga Revilla na sasabak na naman sa pangalawang apat na istorya ng Agimat ni Ramon Revilla bilang Bianong Bulag.

vuukle comment

AGIMAT

ALJUR ABRENICA

BARBIE FORTEZA

BIANONG BULAG

BONG REVILLA

EASTWOOD LIBIS

FIRST TIME

GERMAN MORENO

RAMON REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with