^

PSN Showbiz

Dolphy namigay ng mga libreng materyales kay Rey Langit

- Veronica R. Samio -

May dahilan para magsaya ang broadcaster na si Rey Langit, kahit hindi pa nagaganap ang elek­syon at wala pa siyang kamalay-malay sa ma­giging katayuan niya bilang kandidato sa pagka-senador.

“Alam nating may ini-endorsong kandidato si Dolphy sa pagka-presidente pero pinalad pa rin akong mapili niya na tulungan bilang nag-iisang kan­didato sa pagka-senador,” ang sabi ni Rey sa isang bihirang pakikipagharap sa isang kaibigan niya sa entertainment press nung Lunes ng gabi. Kasama ang buo niyang pamilya pero katabi niyang humarap at sumagot sa tanong ng press ang kan­yang apong si Francis, anak ng na­maya­pang si Reyster Langit, isa ring broadcaster na sinamangpalad na mamatay dahilan sa malaria na nakuha niya habang nagsasagawa ng kan­yang pagtulong sa isang lugar sa Palawan.

Si Francis ay itinuturing ni Rey na good luck charm niya.

Nakapagpapaligaya rin kay Rey ang maluwag na pagtanggap sa kanya nang dumalo siya sa pag­di­riwang ng kaarawan ng founder at leader ng King­dom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Qui­boloy. Hindi man siya tuwirang iniendorso nito ay pawang mga magagandang salita naman ang sina­bi patungkol sa kanya.

Nagsimula naman ang pagkakaibigan ni Rey at ang hari ng komedya matapos ang EDSA revo­lution. Inimbita siya nito para makasama sa pala­bas nitong Plaza 1899 sa RPN 9 kasama sina Pan­chito at Francis Magalona. Dun na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

“Nang malaman niyang tumatakbo ako sa pag­ka-senador, pinadalhan niya ako ng mga campaign materials bilang suporta niya. Binigyan niya ako ng mga caps na ipi­na­mimigay ko sa mga tao. Bu­kod dito, pumayag pa siyang itaas ang kamay ko bilang patunay ng kanyang suporta,” masayang kuwento ni Rey na nakuha rin ang suporta ng mga tulad niyang broad­caster sa pangunguna ni Amb. Tony Ca­bangon Chua, Angelique Lazo (Radyo Veritas), Ruth Abao (DZRH), Mon Tulfo, Dong Puno, Evangeline Pas­cual, Raul Esperas, at marami pang iba.

* * *

Ang Golden Screen Awards ay gaganapin na sa Teatrino ngayong Miyerkules, May 5!

Si Ogie Alcasid ang host ng awards night na may temang Pelikula at Puliti­ka bilang pagpu­pugay sa mga artista na tatakbo sa paparating na election ngayong 2010. Magsisilbing anchor person naman si Arnell Ignacio. Si Aiza Seguerra ang aawit ng opening number.

Ang mga nominated theme songs naman ay aawitin nina Faith Cuneta, Gerald Santos, PJ Vale­rio, Myrus, at Zoe Sandejas. Magpe-perform din sina JayR Siaboc, Tom Rodriguez, Nico An­tonio, and Guji Lorenzana collectively known as the Voiz Boys.

Ang grand slam actress, Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang gaga­waran ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award.

* * *

Siguradong nag-enjoy ang buong pamilya, lalo na ang mga batang nakabakasyon sa pagbabalik nung Lunes, May 3, ng first-ever all-Filipino animé TV series na Super Inggo at ang Super Tropa!

Araw-araw nang masusundan ng mga kabataan — first o second-timers man — ang mga ka­pa­na-panabik na mga adventures ng bidang si Budong at ng kanyang mga kaibigan na pinagha­long action, comedy, drama, fantasy, at non-stop kulitan. Naisip ng ABS-CBN na good timing na muling ipalabas ang animated series, araw-araw, para gawing mas maaga ang bonding time ng pa­milya kasabay ng iba pang top-rating “prime­tanghali” shows ng ABS-CBN.

* * *

Sa isang panayam, tinanong si Matteo Gui­dicelli kung may balak nga ba siyang ligawan ang kapareha niya sa Agua Bendita na si Andi Eigen­mann sa totoong buhay. Agad naman na sagot nito, “Hindi ko po masasagot ’yan sa ngayon be­cause Andi and I are close friends as of now, but I’m not closing my doors para sa mga possibi­lities na puwede pong mangyari.”

Tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ng kam­bal at kung saan hahantong ang paglayo ni Agua kay Ronnie, at paano mababago ang buhay ni Agua sa pagdating ni Paco sa Agua Bendita, Lunes hang­gang Biyernes sa ABS-CBN.

* * *

Bakit kaya sa halip na mga local talents ang gamitin sa marami nating palabas sa TV, lalo na sa soap opera, nagpipilit tayong gumamit ng mga foreign talents na oo nga’t guwapo pero sa delivery pa lamang ng dialogue ay sumesemplang na. Obvious na hindi marunong mag-Tagalog, at lalong hindi marunong umarte. Mura ba sila kaya sila ang kinu­kuha? Pero ako, naniniwala na mas mahal ang TF nila.

Let’s give chance sa ating mga artista, kung gusto n’yo ng guwapo, ma­rami tayong guwapo sa paligid, ’di pa bulol.

vuukle comment

AGUA BENDITA

AIZA SEGUERRA

ANDI AND I

ANDI EIGEN

ANGELIQUE LAZO

APOLLO QUI

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with