Planet Philippines bronze medalist sa New York Festival
MANILA, Philippines - Hectic pala ang naging schedule ni Richard Gutierrez simula nang umalis siya ng Manila last Sunday.
Dumating siya ng LA, then check-in sa United Airlines flight to New York City (John F. Kennedy airport), mag-isa lang siya at hiwalay sila ng flight ng publicist niyang si Jun Lalin.
Pagkatapos mag-check-in, since may four hours pa silang spare time ni Jun, nagpunta sila sa Beverly Hills, sa condominium unit nila, at nagkita sila ng dad niyang si Eddie Gutierrez. Nag-bonding ang mag-ama since ilang weeks na rin naman sa LA si Tito Ed at inaasikaso niya ang pagpapagawa ng flooring ng condo nila.
From John F. Kennedy airport sa NYC, nag-taxi na lang si Richard at hindi na nagpasundo sa mga taga-GMA 7 na nauna na sa NYC, ayon sa e-mail ni Jun.
Since wala pang tulog ang aktor sa sobrang jet lag, dumiretso na lang ito sa kanyang hotel at nagpahinga.
Before 7:00 p.m. sinundo na siya ni Jun para pumunta sa American Airlines Theater kung saan ginanap sa Penthouse ang New York Festivals (Television & Film Awards).
“Sobrang tuwa ni Richard nang i-announce na winner ng Bronze World Medal ang ini-host niyang environmental TV special sa GMA 7, ang Planet Philippines.
“Very proud siya sa award na natanggap ng Planet Philippines at lalo pa siyang na-inspire na gumawa ng ganoong klase ng show (magkakaroon siya ng quarterly environmental special sa GMA 7),” dagdag ni Jun sa kanyang e-mail.
After the announcement, umakyat ang grupo ng Planet Philippines sa 6th floor kung saan may photo opportunity and interview.
Ang mga photos at interview kay Richard at sa mga taga-Planet Philippines ay makikita sa website ng www.newyorkfestivals.com, pagkatapos nilang ma-edit ’yon, ayon kay Jun.
Last Tuesday (May 4) naman, may Meet & Greet si Richard para sa GMA Pinoy TV at sa Renee’s Kitchenette located at 69-14 Roosevelt, Avenue Woodside, Queens New York ’yon.
- Latest