^

PSN Showbiz

Sa blog naglalabas ng lihim, sikat na actor-BF King ng aktres na dyowa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

“King” pala ang tawag ng magandang actress sa guwapo at sikat niyang actor boyfriend na in fair­ness, bagay sa status ng actor at para siguro itago sa mga tsismosa. Kaya lang, buking pa rin dahil sa blog ng actress ito nakasulat.

Marami pa kaming nadiskubre sa blog ng ac­tress dahil may parang Q&A na sinagot ang ac­tress. Sa tanong na “who is the last person you make a phone call to? at “who is the last person to call you?” parehong “king” ang sagot ng actress.

Sa tanong na “where dis your last kiss take place? “My front door” ang sagot ng actress. Sa next question na “what’s your relationship with the per­son you last texted? “He is my lover and best friend” ang sagot.

Na-curious tuloy kaming malaman kung ano naman ang tawag ng sikat na actor sa GF niyang actress? Queen kaya o Princess, teka ma-tweet nga si actress at sana sumagot.

* * *

Nagulat kami nang makita si direk Joyce Ber­nal sa GMA Network at malamang siya ang di­rector ng Wachamakulit dahil akala namin, lu­mipat na siya sa TV5. Si Eugene Domingo ang host ng game show ng GMA 7 sa Bilib Ka Ba Araw-Araw slot starting April 16, 5:00 p.m.

Mga bata ang kasama ni Eugene sa show at sila ang magbibigay ng clues sa adult contestants.

Inalam ng press kung paano hinahati ni Eugene ang kayang oras sa rami ng shows dahil may First Time at Comedy Bar pa siya. Ang sagot ay : “tra­baho, tulog, banko, at pautang lang ang gina­gawa ko, saka na ang lovelife.”

Pinansin din ng press ang pagpayat ni Eugene na ang sikreto raw niya’y inalis niya ang rice sa mga kinakain niya at ipinalit si Fabio Ide, ang Bra­zi­lian hunk na kasama sa Comedy Bar.

* * *

Natuloy ang storycon ng Endless Love : Au­tumn In My Heart noong gabi ng Sabado at na­la­man naming bukod kina Marian Rivera, Ding­dong Dantes at Dennis Trillo, kasama rin sina Sandy Andolong, Nadine Samonte, Gabby Eigenmann, at Gina Alajar.

Sina Sandy at Gina ang gaganap na ina ni Ma­rian, si Gabby ay kapatid ni Marian at si Nadine sa role ni Shirley. Papasok din daw si Christopher de Leon, pero after the elections na.

Sa April 19 na raw ang first taping day ng Endless Love at magti-taping sina Marian at Ding­dong bago sila umalis for US and Canada para mag-guest sa concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Good for two weeks airing daw ang iti-tape ng dalawa para pagbalik nila sa first week ng June, hindi sila mangarag.

* * *

Balitang isasabay sa 40th Earth Day celebration na tinawag na One Earth : Kapuso ng Kalikasan sa April 16 sa SMX Convention Center sa Mall of Asia ang launching ng Survivor Philippines : Ce­leb­rity Edition.

Si Richard Gutierrez ang host ng Earth Day celebration kung saan may kantahan, rakrakan at pag­bibigay ng helpful tips for the preservation of Moth­er Nature. Ang aktor din ang host ng Survivor Phi­lippines na controversial na ‘di pa man nag­sisimula.

Isabay na rin kaya sa launching ng Survivor Philip­pines ang pagpapakilala sa castaways at announcement kung saan ang location ng SP na sabi’y sa Australia raw.

* * *

Monday sa Panday Kids, para iligtas ang sarili, lalabanan ni Oliver (Buboy Villar) si Ruben (Paolo Paraiso) at tatalsik at mauuntog ang ulo nito. Tatawag ng tanod ni Butchoy, kaya papayuhan ni Rosanna (Gelli de Belen) si Buboy na tumakbo na.

vuukle comment

BILIB KA BA ARAW-ARAW

BUBOY VILLAR

COMEDY BAR

CONVENTION CENTER

DENNIS TRILLO

EARTH DAY

ENDLESS LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with