^

PSN Showbiz

Aiza hindi feel mag-concert sa Big Dome

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ire-reformat ang isang weekend show ng isang network at kasama sa pagre-reformat ay aalisin na rin ang mga hosts ng show. Hopefully, hindi ipagtampo ng mga hosts ang pagkatsugi nila dahil may kapalit naman silang programa at daily pa.

Minsan nang nabalitang aalisin ang mga hosts sa show para mas bumilis ang pacing nito, naka­rating ito sa mga hosts at medyo kanilang ipinag­tampo. Pero save by the bell sila dahil nagbago ang desisyon ng management.

But this time, tuloy na ang pagkatsugi ng mga hosts dahil babaguhin na talaga ang show mula sa title hanggang sa format at hindi na kailangan ang mga hosts.

* * *

Sa latest tweet ni Anne Curtis, may two days shooting pa sila ni Sam Milby ng pelikula nilang Babe, I Love You na April 3 na ang playdate, pero sa galing ni Direk Mae Cruz, aabot ang movie sa showing nito.

Sa presscon, itinanggi nina Anne at Sam na nag­kabalikan sila at parang wala pa sa plano nila ang magkabalikan, pero sinalungat sila ni Direk Mae dahil nakikita niya ang mga kilos nito ’pag magkasama sila sa eksena.

Nangako sina Anne at Sam na ipapaalam din ’pag sila’y nagkabalikan dahil totoo namang mahirap ilihim kung sila’y muling magmahalan.

* * *

At 11 years old, si Buboy Villar ang bread win­ner sa kanilang pamilya at sa kinikita niya sa showbiz, nakapagpatayo na siya ng bahay at naka­bili ng van. Nag-iipon siya ngayon para ma­kabili ng dream niyang Grandia at umaasa itong sa pagtatapos ng Panday Kids, nabili na niya ang sasakyan para sa kanyang pamilya pa rin.

Malungkot ang buhay ni Buboy na three years old pa lang ay sumasama na sa mga kapatid para mamasura. Hanggang five years old niya ginawa ’yun para may pera silang pambili ng pagkain at tumigil lang siya nang magsimulang sumali sa singing contest sa Cebu.

Kahit nagtatrabaho, nai-enjoy pa rin ni Buboy ang kanyang childhood dahil ’pag breaktime sa taping ng Panday Kids at ’pag ’di nila eksena, nagl­alaro sila nina Sabrina Man at Julian Trono. Hindi rin nito pinababayaan ang pag-aaral, enrolled siya ng home study at pipilitin niyang makatapos ng pag-aaral.

Tuwang-tuwa si Buboy ’pag tinatawag siyang Oliver ng mga kaibigan at kapitbahay na pangalan niya sa Panday Kids.

* * *

Magkakasama sina Aiza Seguerra, Princess Velasco, at Juris Fer­nan­dez sa Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris na gagawin sa April 16, 8 p.m. sa Skydome ng SM North EDSA. Hindi na mabilang ni Aiza kung pang-ilang gig na niya ang pagsasamahan nilang tatlo, basta ang alam niya, lagi siyang enjoy mag-perform.

Nagulat kami sa nalaman kay Aiza na never niyang pinangarap mag-concert sa Araneta Coliseum. Bukod sa napakalaking venue sa kanya ang Big Dome, mas gusto niyang mag-perform sa smaller venue, kung saan bagay ang tipo ng musika niya.

“Saka, siguradong manliliit ako ’pag nag-concert ako sa Araneta. May producer dati na gusto akong i-produce roon, tumanggi ako. Mas komportable ako sa smaller venue, mas mabilis ang konek sa tao at agad mong makikita kung nag-i-enjoy ang audience mo. Ang dream concert ko ay makasama sa The Eraserheads although alam kong malabo nang mangyari,” wika ni Aiza.

vuukle comment

ACOUSTIC SESSIONS

AIZA

BUBOY

NIYA

PAG

PANDAY KIDS

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with