^

PSN Showbiz

Ruffa dapat nang iitsapuwera sa John Lloyd-Shaina isyu!

- Veronica R. Samio -

Kung dati ay sinasabi ko lamang na tsismis lang ang kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dahil sa akala ko ay sinasamahan lamang ng aktor ang kapatid ni Vina Morales na nagpapagaling ng kanyang sugatang puso na dulot ng paghihi­walay nila ni John Prats.

Pero later on, na-realize ko na parang ang tagal namang maka-recover ni Shaina. Baka hindi na pagmamagandang-loob ang ginagawa sa kanya ni Lloydie. Baka may sariling motibo na rin ito sa pagsama-sama sa kanya.

Ngayon tanggap ko na na mukhang mayroon nga. Sa matagal ding pagsasama nilang dalawa, posibleng na-develop na sila sa isa’t isa.

Sabi ni Shaina, friends pa rin sila ng aktor pero, hindi niya itinanggi ang madalas nilang pagsa­sama na ang latest ay sa Boracay where they were seen shopping to their hearts’ content.

Kung sabagay, wala na­mang masama, ’di ba? Pare­ho naman silang libre, single, walang com­mit­ment sa iba. Ewan ko lang kung nag­ka­roon ng closure ang kahit gaano kaikling relasyon ni Lloydie kay Ruffa Gu­tier­rez na napatu­nayan din na­mang totoo dahil may mga lara­wang kuha na magkasa­ma sila at kumalat sa Internet na nag­papatunay nito.

But now that Ruffa belongs to JLC’s past, huwag na siyang idawit pa sa kung anumang relas­yon nina JLC at Shaina ngayon. Iitsapuwera na lamang siya dahil unfair kay Ruffa na pagmuk­hain siyang third party.

* * *

Mukhang dumarami ang mga taga-showbiz na nagbu­bukas ng art gallery. Dahil ba natuklasan nila na isa itong magandang business venture dahil isang malaking tagumpay ang art gallery ni Cristy Fermin? Pinangalanan ni Cristy na Mga Obra ni Nanay ang art gallery na matatagpuan sa Scout Reyes, Roces, QC at tinatangkilik hindi lamang ng mga art connoisseurs kundi maging ng showbiz people, including the entertainment press.

Yes, kahit paisa-isa ay nakakaipon na ang mga movie press ng mga art pieces, contemporary man o vintage, dahil ang puwesto ni Nanay Cristy ay isang negosyong may puso. It gives opportunities to her colleagues na makatikim mag-may-ari ng mga paintings na dati ay itinuturing lang nilang pang-dekorasyon sa bahay ng mga mayayaman.

Ngayon pati sila, meron na ng mga ito. At meron na rin silang kaunting knowledge na maka-distin­guish ng peke sa totoo. Salamat kay Nanay Cristy and her group of artists na nagbibigay ng mga poin­ters sa mga pumupunta ng gallery. Tulad ko at tulad din nina Linda Rapadas, Reggee Bo­noan, Vinia Vivar, at kung sinu-sino pa.

* * *

Sobra naman ’yung nagsasabing kamukha ni Madam Auring si Yeng Constantino. Napakalayo naman, hindi lamang sa TV screen kundi lalo na sa personal!

Hindi naman siguro siya pinormahan nina RJ Jimenez, Carl Guevarra, at Jayson Fernandez ng RiverMaya kung chaka siya. But the fact na marami ang nagpaparamdam sa kanya ay patunay lamang na may fez siya.

In fairness to Yeng, okay naman siyang host ng gabi-gabing programang Music Uplate Live sa ABS-CBN, pati ’yung dalawang co-hosts niya, oks din. Marami silang naibibigay na info sa mga viewers. Ang parang hindi okay ay ’yung suot niya noong ma­ka­panood ako isang beses ng show. Hindi siya com­fortable sa shorts, madalas naka­kalimutan niyang naka-shorts siya, madalas naghi­hiwalay ang mga hita niya na hindi magandang tingnan.

vuukle comment

CARL GUEVARRA

CRISTY FERMIN

JAYSON FERNANDEZ

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN PRATS

NANAY CRISTY

SHAINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with