^

PSN Showbiz

Angel ayaw ng fans sa Kokey

- Veronica R. Samio -

Sa halip na maibsan ang init ng pagtanggap ng tao sa tambalang Melissa Cantiveros at Jason Francisco, tila mas lalo pa itong nag-iinit. Katu­nayan, meron nang Melason fever na nagsi­simula nang maramdaman.

It was the second time na mapuno ang studio ng The Buzz nang mag-guest ang Melason tan­dem. First time naman sa The Bottomline ni Boy Abunda na nagkaroon ng masaya at magaan na tala­kayan. Walang mahihirap at malalalim na tanu­ngan kundi ang katotohanan sa relasyon ng da­lawa. Totoo na ito at hindi bungang-isip lamang ng mga manunulat ng Kapamilya network para ma­pa­la­wak pa ang programang Pinoy Big Brother.

Gawa-gawa lang ba ito ni Kuya para mas ma­bigyang kulay pa ang buhay sa loob ng kanyang bahay?

Ang programa ng dalawa na nagsimulang ma­pa­nood nung Lunes ng umaga sa ABS-CBN ay nagtala ng all time high rating. Dati nang pina­nonood ang Wowowee na sinasabing nataasan na sa ratings game ng Showtime. Pero ang 30 mi­nutong programa ng tambalang Melason proved to be a perfect programmer to both Showtime and Wowowee.

Nagsisimula pa lamang ang Melason fever. Kung maalagaan sila ng Kapamilya network sa pamamagitan ng tamang mga proyekto, magtatagal pa sila. Pero kapag hindi, bibilang lamang tayo ng linggo o matagal na yung ilang buwan at mara­ram­daman na nila, at maging tayo, ang pagpawi ng init sa tambalang isinilang lamang sa isang programa at tulad sa apoy ay madaling naparam ang lagablab.

* * *

Ecstatic si Pokwang, pumapatok kasi sa ma­no­nood ng TV ang kakaibang tambalan nila ni Jason Abalos sa Your Song Presents Love Me, Love You, napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN, pagka­tapos ng ASAP.

Nakakatuwa siyempre na tanggap at nae-enjoy ng mga tao ang panonood sa amin ni Jason,” pa­hayag ni Pokwang.

Samantala sa mga susunod na tagpo sa Your Song, papasok na sa paaralan si Lovely (Pok­wang). May dalawang lalaking manliligaw sa kan­ya ngunit sa kalaunan ay matutuklasan niya na sa pera lang pala interesado ang dalawa.

Sa kabilang dako, unti-unti nang mahuhulog ang loob ni Javier (Jason Abalos) dahil sa taglay na kabu­silakan ng puso ni Lovely.

Sa darating din na episode ay iba’t ibang Kapa­milya stars ang sasali sa kuwento ng pag-ibig ni Love­ly : Melissa Ricks, Sam Milby, Gerald Ander­son at Maja Salvador.

* * *

Marami palang fans si Angel Locsin na tutol na ma­pasali ito sa seryeng Kokey. Mas feel nila na mauna ang kanilang magandang idolo sa serye na gagawin nito kasama si John Lloyd Cruz kesa sa serye ng tungkol sa isang taga-outer space, kahit pa raw naging sikat na serye ito nun. Palagay nila, ma­sasayang lamang ang talent ni Angel sa nasabing serye.

Ganun?!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BIG BROTHER

BOY ABUNDA

GERALD ANDER

JASON ABALOS

JASON FRANCISCO

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA

MELASON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with