^

PSN Showbiz

Lovi pinag-shopping ni Jolo ng daang-daang libo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sino naman kaya sa mga manghuhula ang aako na sila ang nanghula na may isang be­teranang artista ang mamamatay ngayong 2010?

Sumakabilang-buhay kahapon si Mila Ocam­po na nasa kategorya na ng beteranang artista kaya hindi ako magugulat kung sasabihin ni ganito at ganireng manghuhula na sila ang humula na may matandang artista na matsutsugi.

Mabilis na kumalat kahapon ang balita tungkol sa pagpanaw ng nanay ni Snooky Serna dahil sa text message na umikot mula sa kanyang kaibigan na si Leo Dominguez.

Inaayos pa ang labi ni Mila habang isinusulat ko ito kaya hindi pa complete ang detalye tungkol sa pagdadalhan at pagbuburulan ng kanyang kata­wan. Nakikiramay ako at ang PSN staff sa mga nau­lila ni Mila.

* * *

Isa ako sa mga natuwa nang malaman ko na natag­puan ni Gina Pareño ang kanyang na­wa­walang ina.

May edad na ang madir ni Mama Gina kaya ulya­nin na siya. Ilang beses ko nang nakasabay sa parlor ang mag-ina at saksi ako sa sobrang pagma­mahal ni Mama Gina sa kanyang mother dear.

Dinadala ni Mama Gina sa parlor ang nanay niya para pakulayan ang buhok. Nagagalit pa nga si Mother dahil hindi nito feel na magpatina ng buhok.

Malakas pa ang nanay ni Mama Gina pero ulyanin na nga kaya hindi niya matandaan na umalis siya sa bahay nila sa Tagaytay City at nag­punta sa Baclaran para magsimba.

Mahal na mahal ni Mama Gina ang kanyang ina. I’m sure, ikinaloka niya ang pagkawala ng na­nay niya kaya todo-todo ang kanyang pasasalamat sa mga mabubuting tao na kumupkop at nag-alaga kay Mother.

* * *

Tuloy ang taping ng Show Me Da Manny noong Mar­tes, kesehodang wala si Manny Pacquiao.

Dinalaw ko ang taping ng sitcom para maki­pagkumustahan kina Benjie Paras at Marian Ri­vera na parehong mga mainstay ng Show Me Da Manny.

Siyempre, nakita ko sa studio si Lovi Poe na hindi idinenay sa akin na ipinag- shopping siya ni Jolo Revilla at two days later, nakita siya na kasama ni Ronald Singson sa Boracay.

Gusto kong tampal-tampalin si Jolo nang mala­man ko na daan-daang libong piso ang kanyang gi­nas­tos sa shopping ni Lovi, isang bagay na si­gurado ako na hindi niya ginawa kay Lani Mercado o sa akin.

Hindi naman nag-deny si Lovi. Nagulat lang siya dahil nalaman ng mga reporter ang makatulo-laway na treat sa kanya ni Jolo.

* * *

Talagang ibang klaseng ma-in love si Jolo. Nama­na niya ang kamartiran ni Lani. Siya na ang lala­keng Lani Mercado.

Matinding magmahal si Jolo. Nakita ko ang kanyang ugali nang magkasama kami sa Amerika. Walang nagawa ang kanyang mga magulang nang magde­sisyon siya na umuwi ng Pilipinas dahil miss na miss niya noon si Grace Adriano. Iniwan ni Jolo ang pag-aaral sa Amerika para makita at maka­sama si Grace. Libu-libong dollars ang binayaran niya sa mga overseas call.

Ang ending, naghiwalay din sila ni Grace at nga­yon, same story na naman. Naghiwalay na sila ni Lovi pero hindi pa maka-recover si Jolo.

Ganyan katindi kung ma-inlove ang aking anak-ana­kan. Anak nga siya ni Lani!

* * *

Wish ko lang na huwag akong tamarin na luma­bas ng bahay or else, hindi kami magkikita ma­mayang hapon ng aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo.

Naging busy si Sarah kaya ngayon pa lang niya mahaharap ang kanyang mga dapat ginawa noong December. Pupusta ako na lalong gaganda ang takbo ng career ni Sarah ngayong 2010. 

vuukle comment

JOLO

KANYANG

LANI MERCADO

LOVI

MAMA GINA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with