^

PSN Showbiz

'Di 'makIkipagbalikan' kay Claudine, Mark Anthony si Regine ang uunahin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Matutuwa ang nagkagusto sa tambalan nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez sa Ako Si Kim Sam Soon dahil ibabalik ng GMA 7 ang tambalan nila sa Diva, ang bagong soap ni Songbird na may March 2010 airing. Ito ang next project ni Mark after Darna.

Para mas exciting, isinama sa cast si Glaiza de Castro bilang protégée ni Regine. Hindi pa namin alam kung makakaribal ng mga karakter nina Regine at Glaiza si Mark, pero mas magiging intriguing tiyak ang istorya ‘pag love triangle sila.

Samantala, hindi pa nagti-taping si Regine para sa Darna kung saan, gagampanan niya ang role ni Electra, kontrabida at makakalaban ni Darna. Pero ready na ang costume niya at tama ba ang dinig namin nagpapayat ang love ni Ogie Alcasid para sa role ni Electra?

* * *

Hindi makakalimutang experience ni Heart Evangelista sa Mano Po 6 na finally, naka-trabaho na niya sina Sharon Cuneta at direk Joel Lama­ngan. Nakita niya kung paanong hindi nag-prima donna ang Megastar at sa sobrang nerbiyos sa ka­nilang director, first time niyang binasa ng seven times ang kanyang script at minemorya pa para ‘di makalimutan.

Thankful si Heart kay Sharon sa nalamang personal choice siya nito to play Stephanie’s role at kung paano siya ipinaglaban at bigyan daw siya ng second chance. Nang masarado ang negosasyon with Regal, nag-celebrate silang mag-anak at kumain ng lechon at fried rice.

Hindi naiwasang pag-usapan si Jericho Rosales dahil uncle siya ni John Manalo na gumaganap na kapatid ni Heart sa Mano Po 6. Muntik maiyak ang aktres nang marinig ang panghihinayang ng bagets sa paghihiwalay nila ng ex at lungkot dahil ‘di na siya makikita.

Sabi tuloy ng press, mahal pa ni Heart si Jericho, pero mas mahal nito ang mga magulang.

“Masaya na rin naman siya (si Jericho) at masaya na ako. Mahal na mahal ko ang pamilya ko at naniniwala ako na if it’s for you, it’s for you,” patungkol ni Heart sa kanila ni Jericho.      

* * *

Siguradong masaya si Glaiza de Castro dahil may project agad siya after Stairway to Heaven na magtatapos na ngayong Biyernes. Makikipag-levelan siya ng acting at galing kumanta kay Regine Velas­quez sa Diva.

Flattered na si Glaiza nang banggitin ni Regine na sa kanila ni Pauleen Luna siya magwo-workshop kung paano maging magaling na kontrabida sa role niyang si Electra sa Darna, kaya lalo pang mapa-flatter ang young actress na makakasama at makaka-eksena si Songbird.

 Samantala sa last day ng Stairway…, masaya sina Cholo (Dingdong) at Jodi (Rhian) dahil tagumpay ang eye operation ng huli. Nakakakita na si Jodi, pero isang dagok sa kanya ang pagkamatay ng ama. Nag-breakdown din si Maita (Jean Garcia) at nawalan ng pag-asa si Eunice (Glaiza) sa nalamang nababaliw ang ina.

Muling lalabo ang paningin ni Jodi at sasailalim siya ng iba’t ibang test. Nagbalik ang brain tumor niya at malignant na ito. May taning na ang buhay niya, pero handa pa rin siyang pakasalan ni Cholo. Itatakda ang araw ng kanilang kasal.

* * *

Paki ito ni Jun Lalin : Bukas ang launch ng Planet Philippines Environmental Special DVD na luma­bas sa GMA 7 and hosted by Richard Gutierrez. Gaganapin ang launching sa Powerbook SM Mega­mall ground floor Bldg. A from 3-5pm.

Darating si Richard for autograph signing sa mga bibili ng Special DVD, kaya ang mga bibili nito’y per­sonal nang makikita ang actor, mapipirmahan pa ang DVD copy nila.

vuukle comment

AKO SI KIM SAM SOON

DARNA

GLAIZA

HEART EVANGELISTA

JEAN GARCIA

JERICHO ROSALES

JODI

JOEL LAMA

MANO PO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with