^

PSN Showbiz

Cristine nagsawa na sa mga bagets, matanda naman ang gustong maging dyowa

- Veronica R. Samio -

Tama lang ang pasya ni Cristine Reyes na mag-stick na lamang sa mga lalaking mas ma­tanda sa kanya. Kapag kasi nakikipag-relasyon siya sa kapwa niya bagets ay nabubulilyaso lamang. Hindi nagtatagal, at magtagal man ay sa kanya galing ang effort, hindi sa guy.

“Isip bata ang mga bagets. Pambihira akong makakita ng bagets na mature ang pag-iisip. Eh ayaw kong nag-aalaga ng lalaki, gusto ko, ako ang inaalagaan,” sabi ng aktres during the launch of Ang Darling Kong Aswang, ang pang-MMFF movie niya with Vic Sotto as her leading man.

Gusto niya ba yung kasing edad ni Bossing Vic?

“A little younger siguro pero may characte­ris­tics ng katulad niya, marespesto, maasikaso, talagang he takes care not only of his leading ladies but of the entire cast. Buhay ang set kapag present siya,” sabi niya.

Cristine does not deny na lumalabas pa rin sila ni Dennis Trillo.

“Pero hindi ito date, parang friendly meeting lamang dahil gusto niyang maging maayos ang naging paghihiwalay namin. Ayaw niyang may nabibitin sa alanganin kaya nilalagyan niya ng formal closure which is perfect with me dahil ngayon friends pa kami,” paliwanag niya sa sinasabing paglabas labas nila ng actor. 

“Focused ako ngayon sa career ko. Pag may du­mating eh di okay pero, kung wala, no problem, hindi magiging kakulangan sa buhay ko kung wala akong lovelife. I have a beautiful career. Dito na muna ako magko-concentrate,” sabi niya.

* * *

Heto na naman tayo, pilit na nilalagyan ng romansa ang napaka-innocent na pagkakaibigan nina Maxene Magalona at JC Tiuseco dahil lamang nadadalas ang kanilang pagtatambal.

“May chemistry daw kami which I believe spring from the fact na nagkakasundo kami, wala kaming ilangan. The longer we work together the more comfortable we become,” sabi ng anak ng Master Rapper who has fast recovered from her failed relationship na isinisisi kay JC.

 “Life has to go on. Hindi naman puwede na dahil hindi nag-succeed ang relationship ko ay titigil na ang buhay. It has to continue and I have to move on too. Ganun lang yun. Acceptance lang ang mahirap tanggapin sa una, pero once magawa mo yun, you’re on the right path na to recovery. It helps to have friends like JC na nakakatulong sa mabilis na recovery ko,” dagdag pa ni Maxene.

Magkasama na naman sila sa first ChristmaSerye ng GMA 7 na nagsimula nang mapanood kahapon na bida ang reyna ng local na pelikula na si Ms. Susan Roces.

* * *

Tiyempo namang magkakasabay pa ang pagtatapos this week ng mga primetime series ng dalawang mahigpit na magkalabang networks, ang ABS-CBN at GMA 7.Sabay ding nagba-bye ang cast ng mga programang Lovers In Paris (Piolo Pascual, KC Concepcion, at Zanjoe Marudo) sa ASAP at sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, TJ Trinidad, Glaiza de Castro, at mga kasama sa SOP.

Siyempre, malungkot ang dalawang grupo. Matagal din silang nagtrabahong magkakasama, maninibago sila na ibang grupo na naman ang makakasama nila. Ang magandang konsolasyon na lamang nila ay tinangkilik sila ng manonood kahit pa parehong revival at remake ng mga Koreanovela ang ginawa nila. 

Aabangan na lamang natin kung may pagbabago silang ginawa sa serye nila na parehong hindi maganda ang ending sa mga Pinoy na ayaw sa malulungkot na wakas. Tuluyan kayang mamatay si Jodi sa remake ng Stairway to Heaven at magising sa kanyang pagkakatulog sa Lovers in Paris si Vivian?

vuukle comment

ANG DARLING KONG ASWANG

BOSSING VIC

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

LOVERS IN PARIS

MASTER RAPPER

MAXENE MAGALONA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with