^

PSN Showbiz

'Kung sino ang first BF ko, gusto ko siya na rin ang mapapangasawa ko' - Sarah

-

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay maraming nagtatanong kung nabigyan daw ba ng tu­long si Ara Mina ni Manny Pacquiao nang puntahan ito ng aktres sa Baguio habang nagti-training.

Pinaghintay daw si Ara sa nasabing training ni Pacman bago nilabas na may kasama.

Tulong sa kanyang pagkandidato ang hinihingi raw ni Ara ayon sa isang source.

* * *

 “Ayoko yung papalit-palit ng relasyon, because as much as possible, kung sino yung first boyfriend ko, siya rin mapapangasawa ko,” part ng sagot ni Sarah Geronimo sa kanyang interview sa Metro mag November issue.

Yup, ang ibig sabihin isa lang ang magiging nobyo niya.

Nabanggit din niya sa nasabing interview na hindi muna siya nakikipag-date at hanggang imagination lang muna ang lahat.

Marami nang naiinip na magka-boyfriend si Sarah at marami rin sanang nakapila pero mukhang matagal na panahon pa bago siya mag-dyowa dahil hindi pa pinapayagang makipag-date at kung magkaka-boyfriend siya, yun na.

Kaya bad news ito sa mga may crush kay Sarah.

At super fan pala si Sarah ng Twilight series. “I’m already on the last book, yung Breaking Down,” sabi niya sa nasabing interview ng Metro. “I love Edward and Bella. Gusto ko rin po si Jacob, pero ibang magmahal si Edward,” sabi ng concert queen. “Nakita n’yo na po yung trailer ng New Moon? Biglang hot si Jacob. Pero Edward pa rin ako.

Romantic din ang feeling ni Sarah sa ulan. “Gusto ko yung birthday ko (July 25) kasi laging umuulan,” kuwento ni Sarah dahil sobrang masaya raw siya pag may ulan. Dahil sa ulan, gusto raw niyang bisitahin ang Forks, Washington, isa sa pinaka-ulaning lugar sa Amerika na featured sa Twilight. “Birthday wish ko na pumunta ako sa Forks, gusto ko mag-camping. That’s one of the few things I felt that I missed out on as a kid,” banggit pa ng singer/actress sa nasabing interview.

Anyway, pagkatapos ng kanyang jampacked concert sa Araneta, kasalukuyan itong nasa The Next One Global Tour.

Nagpunta sila ng London, Norway, England, Geneva, Sweden na lahat daw puno ang venue.

Samantala, bago umalis si Sarah na-released ang kanyang Christmas album na Your Christmas Girl. Kasama sa album ang mga classic and original Christmas songs at ang carrier single na Your Christmas Girl.

* * *

 Mapapanood na ang pelikulang Biyahe simula December 2 sa Robinsons Galle and Ermita, SM Megamall, North Edsa and Cebu, Gateway and Glorietta 4.

Si Atty. Joji Alonso ang producer ng pelikulang ito. (SVA)

vuukle comment

ARA MINA

BREAKING DOWN

EDWARD AND BELLA

GATEWAY AND GLORIETTA

JOJI ALONSO

NEW MOON

NEXT ONE GLOBAL TOUR

NORTH EDSA AND CEBU

YOUR CHRISTMAS GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with