^

PSN Showbiz

BF ni Eula Valdez sa PBB maraming nagkakainteres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang lakas ng tawa ni KC Concepcion sa biro ng press sa launching niya as the newest Swatch endorser na ang ex ng inang si Sharon Cuneta na muntik na niyang maging tatay na si Rowell Santiago ang may idea ng KC Cares. Swatch Shares campaign ng Swatch at magdidirek din yata ng TVC niya.

 “Tito Gwaps” ang tawag niya kay Rowell. Close silang dalawa at binisita pa siya nito sa Paris at nag-dinner sila. Happy siya that she’s in good company mula kay Ms. Virgie Ramos, kay direk Rowell, at lahat ng involved sa Swatch campaign.

Tinanong din si KC kung sino kina direk Lito Cayetano, Rico Blanco, Piolo Pascual, Billy Crawford, at Richard Gutierrez ang una niyang bibigyan ng Swatch watch? Si Piolo sana ang babanggitin ni KC, pero ibang watch ang ini-endorse nito, kaya out na siya sa list.

Samantala, may mga kakilala kaming interesadong manood ng fund-raising concert na Kaya Natin Ito sa Dec. 5 sa Mall of Asia, kung saan performer si KC. Gusto nilang makita kung magkakasama sa stage sina KC at Rico na minsang naging item.

Sa isang interview sa isang glossy magazine, inamin ni KC na ang break-up nila ni Rico ang pina­kamasakit na na-experience niya.

Bakit kaya?

* * *

Nakausap namin sa presscon ng fund-raising concert na Kaya Natin Ito na organized ng OPM si Dingdong Avanzado, isa sa mga performers sa Dec. 5, concert sa SM Mall of Asia. Kakantahin niya sa concert ang sariling composition na Panahon Na. Ang Gawad Kalinga ang beneficiary ng concert at para ito sa mga biktima ng typhoons Ondoy at Pepeng.

Inalam namin kay Dingdong kung totoo ang tsikang ang anak nila ni Jessa Zaragoza na si Jayda ang magiging co-host ni Ram Revilla, bunsong anak nina Lani Mercado at Sen. Bong Revilla na magho-host ng Kap’s Amazing Stories Kids’ Edition at isa pang bata.

Inamin ni Dingdong na may offer ang GMA 7, pero wala pang pirmahang na­ganap. Tinatanong pa nila kay Jayda kung gustong mag-host at ini-explain nila sa six-year-old kung ano ang gagawin niya. Ayon kay Dingdong, ang anak ang magde-decide at dapat comfortable ito.

Sa birthday party ni Michael V nakita ng mga taga-GMA 7 si Jayda at doon sila nagka-idea na isama ito kay Ram. Naka-schedule na for screen test ang bagets at hihintayin nila ang result at magiging reaction ni Jayda na Taglish ang salita.

Kapag tinanggap ang offer ng Channel 7 for Jayda, pare-pareho na silang nasa showbiz. Bumibilis din ang takbo ng career ni Dingdong sa tulong ng bago niyang manager na si Noel Ferrer.

* * *

Siguradong suportado ni Eula Valdez ang pagpasok ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides sa Pinoy Big Brother. If ever ma-evict ang inter­na­tional model sa bahay ni Kuya, si Eula kaya ang sasalubong sa kanya?

Hindi man deretsahang inaamin, hindi rin itinatanggi ni Eula ang relasyon nila ni Rocky. In an earlier interview, nabanggit ng aktres na hindi isyu sa kanila ng boyfriend ang agwat ng kanilang edad. Si Rocky ang isa sa mga rason kung bakit hindi masyadong na-hurt si Eula sa break-up ng marriage nila ng husband niyang based abroad. Pareho silang masaya sa bago nilang pag-ibig. Ingat lang si Eula dahil marami ang nagkaka-interes sa BF niya.

* * *

Sa Stairway to Heaven, anniversary party ng company nina Cholo (Dingdong Dantes) at ia-announce ni Maita (Jean Garcia) na ikakasal ang binata sa anak niyang si Eunice (Glaiza de Castro) na kinontra ni Cholo dahil si Jodi (Rhian Ramos) lang ang pakakasalan niya. Napahiya si Maita at nagwala naman si Eunice nang mapanood sa TV ang wedding announcement nina Cholo at Jodi.

Sa episode mamaya, suot ni Rhian ang worth P4.9 million jewelry na hiniram sa Miladay’s at dahil milyones ang halaga ng mga alahas, very careful ang aktres na wa­lang mawala sa kanyang mga suot or else…magbabayad ang GMA 7.

vuukle comment

AMAZING STORIES KIDS

BILLY CRAWFORD

BONG REVILLA

DINGDONG AVANZADO

DINGDONG DANTES

EULA

JAYDA

KAYA NATIN ITO

MALL OF ASIA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with