^

PSN Showbiz

Aktres inisnab-isnab ang ka-partner na aktor

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Sa dinami-dami ng mga celebrities, puwedeng ipagmalaki ni Angel Locsin na pinangungunahan niya ang proyektong Shop & Share ilang araw lang makaraan ang mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Sa partnership with eBay para sa relief and rehabilitation efforts ng Philippine National Red Cross, layunin ng proyektong ito na hindi lamang makalikom ng cash donations mula sa mga artista kundi mangalap ng kanilang mga personal belongings for auction.

Leading by example, ilan lang sa mga mamahaling gamit na idinoneyt ni Angel ay ang kanyang mga Hermes, Louis Vuitton at Prada bags which would fetch more than a million pesos. Kasama rin sa auction ang Darna statuette ni Angel.

Isang phone call lang ang ginawa ni Angel kay Anne Curtis, herself a donor of such items like her prized Tiffany necklace and Chanel bag. Aminado si Anne na nalungkot siya as she parted with the stuff, pero inisip na lang niya ang malaking tulong sa maitatawid nito sa ating mga kababayan.

Hindi kaya ’yung mga ibang idinoneyt ni Anne na hindi niya pinanghinayangan ay mga regalo ng kanyang past boyfriend? ‘‘Naku, not a single item, eh, galing sa lovelife ko!’’ sey ni Anne.

* * *

Lihim palang paksa ng kanyang mga co-stars sa isang telefantasya ang pagsusuplada ng bida nito.

Kuwento ito ng isa sa mga katrabaho ng aktres na gumaganap bilang isa sa mga naghahasik ng kasamaan sa barrio kung saan umiikot ang kuwento. In fairness to the female bida, never pa naman daw siyang nakatikim ng pagmamaldita nito. ‘‘Kasi naman, pag nasa set, eh, tahimik lang ako. Wala rin naman kasing chance para mag-usap kami. Sa eksena lang kami nagkakasama,’’ sey ng aking source.

Walang kamalay-malay ang bida, napapansin na pala ng kanyang mga kasamahan kung paanong ang mismong love interest niya sa telefantasya ay ganu’n na lang kung isnabin niya. ‘‘Îsang instance ’yon, huling-huli ko ’yung eksena na dumating sa set ’yung ka-loveteam niya (’yung aktor), tapos, bumesu-beso sa kanya (aktres), sabay ‘‘hi!’’ Hindi man lang natinag si (pangalan ng bida), dinedma lang niya, tapos, lumakad lang siya papalayo du’n sa aktor,’’ kuwento pa nito.

Eh, bakit convincing naman sila sa kanilang mga love scene, na aakalain mong may ‘‘something’’ sila?

‘‘Ever since naman eh, ayaw naman talaga ni (pangalan ng aktres) na makapartner niya si (pangalan ng aktor), eh. Kasi ang talagang gusto niyang leading man eh, ’yung nakapartner niya sa tatlong naunang teleserye nila. Pero trabaho ’yun, di ba?’’ sey pa nito.

Hay, naku, ang hindi pa makahula kung sino ang aktres na ito, lulunurin ko sa river ng Marianas Islands!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

KASI

LANG

LOUIS VUITTON

LSQUO

MARIANAS ISLANDS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with