^

PSN Showbiz

Mamahaling bag ni Angel nabenta na

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nagtapos na ang subastahan para sa first batch of items na ipina-auction sa www.shopandshare.ph na pinamumunuan ni Angel Locsin. Kasama ni Angel sa fund-raising online auction sina Kris Aquino, Anne Curtis, at Dimples Romana.

Tuwang-tuwa si Angel kasi hindi nagkait ng tulong ang maraming artista. Mamahalin pa ang mga gamit na ipinamigay nila bilang donasyon.

Nag-donate si Angel ng Hermes Kelly bag (P330K); si Sam Milby, ang paborito niyang gitara; si Luis Manzano, Technomarine watch (P12K); Gucci bag ang mula kay Anne Curtis (P20K); Luis Vuitton bag mula kay Kris Aquino (P28K); at marami pang ibang gamit mula kina Marian Rivera, Maxene, Magalona, Heart Evangelista, at iba pa.

* * *

Sa tagal na inilagi ni Delia Razon sa showbiz ay ngayon lang siya nakatanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa 57th FAMAS Awards Night. Kasama ng beteranang aktres ang kanyang pamilya, lalo na si Carla Abellana, na itinuring na anak at hindi lang apo na inaruga niya since two years old.

“Mabait siyang bata hanggang sa maging dalaga at hindi ko inakala na magaling siyang umarte dahil tahimik lang siya. Mas magaling pa nga siyang umarte kaysa akin,” kuwento ni Delia sa apo niyang si Carla.

“Kahit mga kaeskuwela niya sa college ay hindi makapaniwala na nakakaarte pala siya sa Rosalinda na pinanonood nila araw-araw.”

Hindi ba siya nahirapan sa pagpapalaki sa kanyang apo?

“Hindi dahil disiplinado ko siya. Nakukuha siya sa isang tingin lang at ’di siya nakaranas ng palo,” anang Delia.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

CARLA ABELLANA

DELIA

DELIA RAZON

DIMPLES ROMANA

HEART EVANGELISTA

HERMES KELLY

KASAMA

KRIS AQUINO

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with