^

PSN Showbiz

Gustong magka-billboard gaya-gaya kay Jinkee, asawa ni Nonito Donaire ambisyosa; Katrina mukhang matanda, taob kay Maricar Reyes; Dr. Hayden natameme sa desisyo

- SEEN SCENE -

Seen : Ang ambisyosang pangarap ni Rachel Do­naire na magkaroon ng mga billboard, tulad ni Jinkee Pacquiao. Si Rachel ang asawa ni Nonito Donaire, Jr. na nangangarap na maging showbiz personality.

Scene : Ang pasasalamat ng cast ng Dahil May Isang Ikaw dahil sa mataas na rating ng kanilang show.

Seen : Nagpunta sa isang haunted house sa San Miguel, Bulacan ang crew ng XXX para sa kanilang Halloween story sa Lunes.

Scene : Iniyakan kahapon nina AiAi delas Alas at Ruffa Gutierrez ang huling episode ng kanilang show, ang Ruffa & Ai.

Seen : Nagkaedad ang mukha ni Katrina Halili. Hindi na siya fresh-looking. Mas batang tingnan si Maricar Reyes na biktima rin ng mga sex video ni Dr. Hayden Kho ngunit mabilis na naka-recover.

Scene : Absuwelto si Dra. Vicki Belo sa demanda ni Katrina Halili laban sa kanya. Absuwelto rin ang mga kaibigan ni Dr. Hayden Kho. Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon si Dr. Kho sa pagsampa sa korte ng criminal charges na resulta ng video recording niya sa pagtatalik nila ni Katrina.

Seen : Si Phillip Salvador sa star-studded photo exhibit ng Artist Center sa GMA 7 building. Nagpapatubo na ng buhok si Phillip na nagpakalbo para sa role niya sa Panday.

Scene : Ang taping kahapon ng Stairway To Heaven stars sa Morato Avenue, Quezon City.

Seen : Nag-shooting sina Sharon Cuneta at Kris Aquino ng mga eksena nila sa Mano Po 6 noong Hu­webes ng gabi. Absent si Kris sa SNN. Inabot ng madaling araw ang kanilang shooting dahil binu­busising maigi ang bawat eksena ng dalawang aktres.

vuukle comment

ABSUWELTO

ARTIST CENTER

DAHIL MAY ISANG IKAW

DR. HAYDEN KHO

DR. KHO

HAYDEN KHO

JINKEE PACQUIAO

KATRINA HALILI

KRIS AQUINO

MANO PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with