^

PSN Showbiz

Staff at co-stars nabunutan ng tinik kay Sunshine

- SEEN SCENE -

SEEN : Ang namumugto na mata ng nanay ni Sunshine Dizon matapos makipag-meeting sa GMA 7 people noong Martes. Dina­ramdam ng nanay ni Sunshine ang pagkawala ng anak sa Tinik Sa Dibdib.

SCENE : Nabunutan ng tinik sa dibdib ang staff ng Tinik Sa Dibdib nang malaman nila ang ouster ni Sunshine Dizon sa kanilang programa.

SEEN : Pinupuri ang pasya nina Korina Sanchez at Senator Mar Roxas na huwag nang magkaroon ng magarbong wedding reception sa October 27, alang-alang sa mga nasalanta ng baha. Pogi points ito para sa kandidatura ni Senator Mar bilang Bise-Presidente ng bansa. 

SCENE : Ang pasasalamat ni Regine Velasquez sa lahat nang nagpakita ng concern sa kanyang kalusugan. Migraine ang numero uno na health problem ni Regine.

SEEN : Ikinatuwa ng libu-libong Pilipino ang balita na hindi kakandidato si Willie Revillame sa anumang posisyon sa pamahalaan. Maraming salamat Lord!

SCENE : Kulang sa kilig ang mga eksena nina Piolo Pascual at KC Concepcion sa Lovers In Paris. Hindi maka-relate ang manonood sa kuwento ng Lovers In Paris.

SEEN : Ang makapal na buhok ni Cesar Montano. Endorser siya ng isang hair restoration clinic na forte ang hair transplant.

SCENE : Sina Sharon Cuneta, KC Con­cepcion, Charice Pempengco, Christian Bautista, Jaya, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Karylle ang ilan sa mga sikat na artista na nag-recording para sa Kaya Natin Ito, ang awit ng OPM (Original Pilipino Music) na dedicated sa mga biktima ng kalamidad.

vuukle comment

CESAR MONTANO

CHARICE PEMPENGCO

CHRISTIAN BAUTISTA

KAYA NATIN ITO

KORINA SANCHEZ

LOVERS IN PARIS

MAR ROXAS

OGIE ALCASID

SUNSHINE DIZON

TINIK SA DIBDIB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with