^

PSN Showbiz

Gina Alajar nananawagan para sa US promo ng Ded na si Lolo

- Veronica R. Samio -

Samantalang excited ang lahat sa ma­gi­ging kahihinatnan ng mga entries nating Magdusa Ka (GMA 7) at Kahit Isang Saglit (ABS-CBN) para sa most outstanding TV series, at si Angel Locsin (Lobo, ABS-CBN din) para sa best ac­tress sa Emmy Awards, heto si Gina Alajar at humihingi ng suporta sa mga kababayan para sa pelikulang kasama siya, ang Ded na si Lolo na isa sa mga entries sa Oscars next year para sa foreign film category.

Lahat tayong may mga kamag-anak at kaibigan sa US, kung maaari ay pakisabihan natin na tulungan para maging matunog ang nasabing pelikula at magkaroon ng malaking promosyon dun.

Matatandaan na medyo may kalakihan ang naging gastos ni Judy Ann Santos last year para lamang mai-promote sa US ang kanyang pelikulang pinrodyus at tinampukan din, ang Ploning, pero hindi pa ito sumapat para tuluyang mapansin ng mga hurado ang nasabing movie.

Hindi makakaya ng Ded na si Lolo ang karagdagang gastos para ito mai-promote sa Amerika. Kung dito nga sa Maynila ay baka hindi pa ito nai-showing kundi sa tulong ni Tony Tuviera, prod­­yuser ng Eat Bulaga, na siyang nag-prodyus ng lima pang indie films, bukod sa Ded na si Lolo, para maipalabas sa Sine Direk Series.

Ang Ded na si Lolo ay isang comedy na nagpa­pa­­malas ng kultura, kaugalian, at paniniwala ng mga Pilipino tuwing may patay, mula sa lamay hang­gang sa paglilibing sa patay. Tampok dito ang isang malaking cast na binubuo nina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Roderick Paulate, at marami pa at nasa direksyon ni Soxy Topacio.

* * *

Patuloy pa rin ang pang-iintriga kay Lovi Poe. Kung noong una ay nasasaktan pa siya kapag naiin­triga at na­ka­­karinig ng pawang mga negatibong balita tungkol sa kanya, hindi na ngayon. Nagagawa na niyang hu­wag pansinin ang mga hindi ma­gandang nasusulat tungkol sa kanya. Nagawa na niyang tang­gapin ito bilang bahagi ng kanyang trabaho. Ang mahalaga sa kanya, tanggap na rin ito ng kanyang ina, hin­­di maiiwasan ito sa klase ng trabaho ng kanyang anak. Mas nauna pa nga itong maintriga kesa sa kanya. Pero kung nakaya ito ng kanyang ina, siya pa kaya ang hindi?

Nabalita nun na nilayasan niya ang kanyang ina. Pero hanggang ngayo’y nasa bahay pa rin nila siya kasama ang kanyang pamilya.

“Kung bubukod ako, I’m sure papayagan niya ako, susu­portahan, pero wala pa akong balak,” sabi niya.

Even the type of films na ginagawa ngayon ni Lovi na mature na at may pagka-daring ay hindi tinututulan ng kanyang ina. May tiwala ito sa kanya kung kaya pinababayaan siyang magdesisyon sa kanyang sarili. Pero palagi siyang humihingi ng guidance at hindi naman nagkait ang ina sa kanya.

Walang reklamo si Lovi sa takbo ng kanyang career.

Kahit indie, marami siyang offer. Hindi rin na­man siya nawawala sa TV. Kahit naintriga sa GMA 7, na­­­roon pa rin siya at may regular na show. Itinu­tu­ring niya na blessing ang hindi pagkakapatung-pa­tong ng kanyang mga palabas, nagagawa niyang tu­manggap ng mga singing engagements. Naka­kapag-promote rin siya ng kanyang album.

Wala, walang reklamo si Lovi, maganda talaga ang showbiz career niya, both in acting and sing­ing. Bihirang artista ang napagsasabay ang dala­wang ito. Bukod dito, may happy lovelife siya. Wala na siyang mahihiling pa. 

* * *

Isa pang nakapag-successful comeback sa TV ay si Kaye Abad. After ma-feature siya sa cover ng isang men’s magazine, akala ng lahat ay mababa­lewala lang yun. Dahil parang wala siyang balak na balikan ang kanyang pag-aartista.

 Nagkamali sila dahil nakita siyang umaarteng muli sa isang episode ng Bud Brothers, katambal ang baguhang si Guji Lorenzana. Mukhang mara­ming ma­nonood ang kinilig sa kanilang tambalan kung kaya may repeat agad sila na pinamagatang Some­where in My Heart, na nagsimula nang mapanood kahapon at mapapanood Lunes hang­gang Biyernes ng hapon sa ABS-CBN.

Napaka-real siguro ng tambalan ng dalawa kung kaya marami ang interesado kung pareho silang available. Oo ang agad na sagot ni Guji pero si Kaye, mukhang hindi.

vuukle comment

DED

KANYANG

KUNG

LOLO

PARA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with