^

PSN Showbiz

Concert producer sa Canada nag-aagawan kay Nora Aunor

- Veronica R. Samio -

May producer na gustong mag-prodyus ng concert para kay Nora Aunor sa Canada pero, may problema dahil hindi siya nag-iisa. Dalawa sila, ang isa gusto sa December at yung pangalawa ay sa February naman.

Nakapirma na si Nora for the February concert at gusto rin niyang tanggapin yung naka-sked for December pero, understandable kung hindi man pumayag ang producer ng February concert dahil baka nga naman maapektuhan ang kanyang show ng February, dahil pareho ang magko-concert at gaano man kalawak ang Canada kung iisa naman ang magso-show, talagang magka­ka­roon ng effect, lalo na sa ticket selling.

Nanghihinayang hindi lamang si Nora kundi maging si Kuya Germs dahil kasama siya sa December show.

* * *

Marami ang nagtatanong kung bakit sa hapon ipalalabas ang Nagsimula sa Puso, gayung maganda ito, may powerful cast at launching pad pa for Maja Salvador. Hindi pa raw ba sila nagtitiwala kay Maja, na kaya nitong dalhin ang series na kung saan gagawin niya ang lahat, maski na magpa-sexy at makipag-lovescenes kung kinakailangan?

Ipinaliwanag ng isang exec ng Dos na hindi oras ang naging consideration nila when they started taping the series. Isa pa, pinagaganda nila ang pangha­pong programming nila at naniniwala sila na malaki ang maitutulong dito ng series nila Maja which also stars Jason Abalos, Coco Martin, Nikki Gil, Jaclyn Jose, Gloria Diaz, Ronnie Lazaro, Joseph Bitangcol at marami pang iba.

Malaki ang expectation ni Maja sa bago niyang project. Dasal niya na magustuhan ng manonood ang series at magandahan ang original star nito na si Hilda Koronel sa kanyang performance.

Matatandaan na bago ang Nagsimula sa Puso ay mayroong dalawang ginawang series si Maja, ang Anna Lisa at Moon River pero parehong na-shelve ang project.

* * *

Wala namang pelikula niya na gustong mai-revive si Gloria Diaz. Nakapag­tataka dahil mahigit 178 din ang mga nagawa niya mula nung 25 years old siya. She’s now 58. May isa ngang producer ang nag-alok na i-revive niya ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na ang kukuning bida ay ang anak niya, pero hindi siya pumayag bagama’t ipinapanood niya ito sa anak niya.

Naniniwala ang dating Miss Universe na mas dapat gumawa ng originals kesa yung nagri-revive ng mga dating istorya na lamang.

 After all these years, grateful si Gloria na active pa rin siya. She credits this sa kanyang pagiging masuwerte at professional.

Never siyang nagreklamo kahit nagkakanda-ngarag na siya sa pagtatrabaho.

Sinabi niyang she may not be the sweetest of stars pero marami siyang friends sa showbiz.

vuukle comment

ANNA LISA

COCO MARTIN

GLORIA DIAZ

HILDA KORONEL

JACLYN JOSE

JASON ABALOS

JOSEPH BITANGCOL

MAJA

MAJA SALVADOR

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with