^

PSN Showbiz

Kung kelan busy at walang BF: Aktres natsitsismis na buntis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Muli na namang natsitsismis na buntis ang isang magaling na aktres at sa inis nito sa paulit-ulit na balita, ang ina na ang hinayaang sumagot sa tawag ng press na nagtatanong kung totoo o hindi ang tsismis.

Ang reaction lang ng aktres sa tsismis, paano siya mabubuntis kung wala siyang boyfriend? Ang sinasabing BF na nakabuntis daw sa kanya’y naging kaibigan lang niya dahil kapatid ito ng kaibigang aktres na semi-retired na dahil nanganak.

Hindi bothered ang ina ng aktres sa tsismis sa anak dahil nasa tamang edad na ang anak para magka-baby at aalagaan pa niya kung totoong magkakaanak ang aktres. Kaso, hindi totoo ang tsika’t trabaho ang focus ng aktres dahil may townhouse na binabayaran at kinokompleto pa niya ang gamit ng bahay.

Hindi maintindihan ng aktres kung bakit ngayon pa siya natsitsismis na preggy, eh busy siya sa sunud-sunod na project. Malapit na ang pilot ng bago niyang soap, may gagawin siyang horror movie, at tinutulungan siya ng isang lady producer para umalagwa na ang career.

* * *

Isang sikat na fashion designer na may initial na R.L. ang may big crush kay Aljur Abrenica mula nang makita ang actor sa Cosmo Bash kamakailan. Sa kanyang Facebook account, ipinagsisigawan ni R.L. ang pagkakagusto niya sa young actor at “fixated” umano siya rito.

Hindi kami magugulat kung isa si R.L. sa manonood ng Nandito Ako…Nagmamahal sa ’Yo, ang launching movie nina Aljur at Kris Bernal na showing sa Sept. 30.

Mag-i-enjoy si R.L. sa mga eksena ng young actor na naka-swimming trunks dahil ie-expose na naman nito ang abs na tinilian ng mga bading at girlash sa Cosmo Bash.

Tuluy-tuloy ang pagpapakita ng magandang katawan ni Aljur dahil balitang sa next primetime soap nila ni Kris, ang role niya ay nire-require siyang madalas nakahubad at labas kung labas ang abs.

Sa presscon mamaya ng Nan­dito Ako…, makukumpirma natin kung totoong Prince Charming ang title ng primetime soap nina Aljur at Kris.

* * *

Nasa premiere night kami ng Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie nang ma­balitaang ang Ded na si Lolo ang nirekomenda ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ipasok sa best foreign film category sa Oscars. In fact, this Saturday ay ia-announce ng FAP ang tungkol dito.

May mga kumokontra dahil mas Filipino umano ang Lola ni Dante Mendoza, pero may pabor ding ang Ded na si Lolo ni direk Soxie Topacio na nga ang ipadala sa Oscars. Masaya ang buong cast, ang APT Entertainment at DGPI sa balitang ito at si direk Soxie ay sobrang tensyonado.

Anyway, muling ipalalabas sa UP Film Center ang six movies ng Sine Direk at ang Ded na si Lolo ay bukas at sa Sept. 26, ang screening. Tampok dito sina Roderick Paulate, Beth Oropesa, Gina Alajar, Manilyn Reynes, Rainier Castillo, Dick Israel, BJ Forbes, at Perla Bautista.

* * *

Tuesday sa Stairway to Heaven, binangga ni Eunice (Glai­za de Castro) si Jodi (Rhian Ramos), kaya ’di masasalubong ni Jodi sa airport si Cholo (Dingdong Dantes). Palalabasin ni Eunice na patay na si Jodi at maniniwala si Cholo dahil suot ng bangkay ang singsing na bigay niya kay Jodi.

Ang hindi alam ni Cholo, itinago ni Eunice si Jodi sa bahay ng ama niyang si Dindo (Soliman Cruz). Magkaka-amnesia si Jodi at sasa­mantalahin ni Tristan (TJ Trinidad) ang pagkakataon. Bibigyan niya ng ibang pangalan si Jodi at makikilala siyang si Jenna.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BETH OROPESA

COSMO BASH

DAHIL

DANTE MENDOZA

DED

EUNICE

JODI

LOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with