^

PSN Showbiz

Cristine nakuha ni Vic Sotto

- Veronica R. Samio -

I’m sure hindi lang sa bahay ko bumaha ng luha dahil sa pagpanaw ni Lola Gets (Gina Pareño) sa isa sa pinaka-nakakaantig na episode ng Tayong Dalawa nung Lunes ng gabi. Pinaka-magandang eksena na siguro ng serye yung kina Gina at ng kanyang pinaka-paboritong apo na ginagampanan ni Coco Martin bago siya tuluyang nalagutan ng hininga.

Ang galing-galing nilang tatlo nina Cherrie Pie Picache (Marlene) pero higit si Coco na sa tindi ng eksena ay naghalo na ang luha at sipon sa kanyang mukha. Magandang ’di hamak ang eksenang iyon kesa dun sa eksena sa sementeryo na nag-dialogue sina JR (Gerald Anderson), David (Jake Cuenca), Audrey (Kim Chiu), at Marlene.

Huling 10 araw na ng serye kung kaya lahat yata ng natitirang mga eksena ay pinagaganda na. Hindi ibig sabihin na hindi magaganda yung mga nakaraang mga episodes. Pero talagang magaganda ang mga natitirang kabanata. 

* * *

Lalagyan na rin pala ng mga eksenang romantiko ang Patient X involving Richard Gutierrez and Cristine Reyes.

Sa isang maagang interview kay Richard na nabasa ko tungkol sa pelikula ay sinabi niyang wala siyang ka-loveteam sa pelikula. Isa itong suspense thriller at ang mga nakakatakot at nakakagulat na mga eksena ang magdadala sa pelikula. Bakit kaya nag-iba ang ihip ng hangin at magkakaroon na sila ng romantic scenes? Para kaya hindi masayang ang participation ni Cristine who’s been getting good reviews hindi lamang sa kanyang mga proyekto kundi maging sa kanyang gumanda nang attitude sa kanyang trabaho?

Happy si Cristine dahil kinuha siya ni Bossing Vic Sotto para sa gagawing pang-Metro Film Festival (MMFF) na pelikula. Unang MMFF movie niya ito kaya excited ang magandang aktres.

vuukle comment

CHERRIE PIE PICACHE

COCO MARTIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

GERALD ANDERSON

GINA PARE

JAKE CUENCA

KIM CHIU

LOLA GETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with