^

PSN Showbiz

Regine at Ogie panay yakapan sa likod ng camera

- Veronica R. Samio -

Mukha namang sulit ang mga dumaloy na luha sa pisngi ng isang kasali sa Are You the Next Big Star? ng GMA 7 na si Jay Perillo nang unang ma-eliminate sa anim na naglaban-laban para sa grand finale ng nasabing paligsahan sa pag-awit.

Pumanaw man ang kanyang pag-asa na magkaroon ng career sa pamamagitan ng na­sabing pakontes, nabigyan naman ito ng pag-asa ni Regine Velasquez na nagsabing maka­ka­sama niya si Jay sa gagawin niyang album. Makaka-duet niya ito sa isa sa mga awitin niya sa album.

Ito man lang ay magsilbing inspirasyon sa itinuturing na pinakamagaling kumanta sa Are You the Next Big Star? na tinutulan ng mga kasama ko sa press ang pagkakatanggal. Katwiran nila ay mas mahusay itong kumanta sa nag-1st runner-up na si Alex Castro at sa nanalong si Geoff Taylor, kahit pa marami ang nagsabing wala siyang sinabi sa kaguwapuhan ng dalawang nag-one-on-one. At ang looks ay obvious na binigyan ng puntos ng maraming text voters at obviously, maging ng mga hurado.

Wala naman akong narinig na pagtutol nang maproklama si Frencheska Farr bilang Are You the Next Female Big Star? Hindi man siya maituturing na pinakamagaling kumanta sa tatlong natirang babaeng contenders, at hindi rin pinakamaganda dahil mayroon din namang ganda ang mga nakalaban niyang sina Zyrene Parsad at Camille Cortez, lumitaw ang kanyang star qualities na absent nung mga nakaraang elimination rounds. Nag-stand out siya, siguro dahil mayroon siyang height at dinala ng kanyang confidence ang kanyang laban hanggang sa huli. Pero hindi rin siya bano pagdating sa singing. May boses siya na hindi pwedeng kwestyonin ng mga manonood at narinig ito ng lahat sa grand finale ng pakontes ng GMA 7.

* * *

Hindi naman nainip ang napakaraming studio audience during the live taping of the grand finale ng singing contest na ginanap only a few hours bago umere ang programa nung Linggo. Inaliw ang lahat ni Regine sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa. Hindi mo aakalain na mayroon siyang talento na magpatawa bagama’t sumilay na ito nang gampanan niya ang role ni Kim Sam Soon sa local adaptation ng isang Koreanovela.

In between, pinasilip ni Ogie Alcasid ang publiko sa status ng kanilang relasyon. Yakapan sila nang yakapan kapag hindi gumigiling ang mga kamera at walang bukambibig si Asia’s Songbird kundi ang singer-composer kapag ini-interview. Tulad nang ginagawa niyang pagluluto na kinasanayan na ni Ogie at tumatawag pa ng bahay niya kapag nali-late ang pagpapadala niya rito ng food.

Siya rin ang nag-alaga kay Ogie nang magkasakit ito’t ma-ospital. “Nasa kanya lahat ng sintomas ng isang may dengue, pero hindi kasing grabe nito ang naging sakit niya,” pagkukwento ng magaling na singer na sa isang bahagi ng taping ay binitbit ang kanyang mamahaling sapatos na hindi niya maintindihan kung bakit napakamahal ng halaga gayong nagbibigay sakit sa kanyang mga paa.

Yes, komportable na si Regine na pag-usapan ang kanyang boyfriend at ang mga ginagawa niya to show him her love.

* * *

Maganda yung ginawang duet style nina Basil Valdez and Gian Magdangal for Jay Perillo; Ogie Alcasid at Marc Tupaz para kay Alex Castro; Geneva Cruz at Jet Pangan for Geoff Taylor; Joey Generoso at Kyla para kay Frencheska Farr; Julia Clarete at Renz Verano para kay Camille Cortez at Kuh Ledesma at Maricris Garcia for Zyrene Parsad.

Welcome rin yung number ng mga judges na sina Pops Fernandez, Vernie Varga, Annie Quintos, Mon Faustino at Danny Tan kasama ang Circle of 16.

Kahit madalas mapanood mag-guest si Eva Castillo sa mga programa ng Siete, naaliw pa rin ang audience ng husto sa showdown niya with Asia’s Songbird. Bago ang number nilang dalawa, ikinuwento ni Regine kung paano siya tinatalo noon ni Eva at nangako sa audience kung paano niya ito gagantihan sa kanilang muling paghaharap.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

CAMILLE CORTEZ

FRENCHESKA FARR

GEOFF TAYLOR

JAY PERILLO

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with