^

PSN Showbiz

Female Singer kinaiinisan ng mga kagrupo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Malapit na ang concert ng isang grupo ng singers, pero naayos na kaya ang problema ng karamihan sa kanila sa kasama nilang female singer? Pikon na pikon ang grupo sa singer dahil hindi sumasama sa grupo kahit sa rehearsal at gusto’y nagso-solo sa dressing room. Paano nga naman sila makakapag-bonding kung lagi siyang solo flight?

Sabagay, noon pa man may kakaibang attitude na ang singer na ito at feeling above the rest siya from her contemporaries. Sana lang, maging maayos ang concert ng grupo kahit isa sa kanila’y may attitude. Para hindi masayang ang pagha­handa ng lahat.

* * *

Walang dapat ikabahala sina Eugene Do­mingo, Zanjoe Marudo, at Dingdong Dantes na hindi maipalabas sa SM cinemas ang KimmyDora dahil hindi Star Cinema ang magre-release ng movie kundi ang Solar Films. Saka, by the time na showing ang movie sa September 2, na­ayos na ang problema ng Star Cinema at SM dahil nag-usap na ang two camps.

Gusto nina Ding­dong, Zanjoe, at Eugene na kumita ang pe­likula para sa pro­ducer nilang si Piolo Pascual at higit sa lahat, para kay Eugene na first time magbibida. Ang magan­da kay Eugene, kahit magbibida na’y hindi pa rin iiwan ang pagsu-support. 

* * *

Takot pala kay Lolit Solis si Gilbert Remulla, isa sa anim na spokesmen ng Nacionalista Party, pero sinabihan siya ng talent manager na walang dapat ikabahala dahil kakampi siya nito lalo na sa laban niya kay Sen. Jamby Madrigal.

Pamangkin ni Gloria Diaz ang wife ni Gilbert at all girls ang tatlo nilang anak. Hindi pa siya sure kung tatakbong senador at wala raw siyang malaking pera, kahit sa kanila ang Island Cove. Nagagandahan si Gilbert kina Anne Curtis, Pinky Webb, Heart Evangelista at Pia Guanio.

Pinag-react si Gilbert sa balitang tatakbong senador si Willie Revillame sa tiket ni Sen. Manny Villar na kanilang susuportahan, totoo ba ito?

 “Hindi ko pa naririnig ang tungkol diyan. Hindi na niya kailangang tumakbong senador dahil mas maimpluwensya pa siya sa senador,” sabi nito.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DINGDONG DANTES

EUGENE DO

GILBERT REMULLA

GLORIA DIAZ

HEART EVANGELISTA

ISLAND COVE

JAMBY MADRIGAL

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with