^

PSN Showbiz

Sarah ayaw tantanan ng KimGerald fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ayaw pa ring tigilan si Sarah Geronimo ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson at kung anu-ano pa ring masasakit na salita ang ipinupukol sa kanya dahil lang nagpahayag itong gustong makapareha si Gerald.   

Ang fans at mga close ni Sarah ang nagre-react lalo na sa akusasyon ng KimGerald fans na “starlet” si Sarah. May starlet daw bang box-office hit ang movies at napupuno ang Araneta Coliseum tuwing nagko-concert at mabenta ang albums?    

Speaking of album, dalawang albums ang halos sabay na nire-record ni Sarah, isang all-English at isang Christmas album na ikatutuwa ng kanyang fans. Hopefully, ma-release ang album bago ang big concert niya bago matapos ang taon.                                                                                                    

* * *

Pinag-isipang may ipinagawa sa kanyang mukha si Karylle dahil mas gumanda ito nang humarap sa press sa presscon-contract-signing niya as the endorser of Pink Water Body Spray by Ever Bilena. Ang sikreto lang niya ay she takes care of herself, she feels good about herself, spiritually enriched din ang buhay niya at enjoy siya sa kanyang trabaho.   

Ibinalita tuloy nito na sa August 24, ang pilot ng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN na kasama siya sa cast at marami pa siyang naka-line-up na trabaho. Umaasa siyang bigger roles will come her way.    

Hindi maiwasang matanong si Karylle sa kanyang love life, pero ayaw nitong magsalita. Ang na-share lang sa press ay marami ang nagyayaya sa kanyang makipag-date at manood ng The Proposal na feeling tuloy niya, perfect movie date ito.   

Birthday ni Dingdong Dantes noong August 2, at sa tanong kung binati niya ito ng happy birthday, ang sagot ni Karylle, hindi niya ito nakikita, kaya hindi nabati.     

“Magko-comment pa ba ako tungkol sa kanya? Magwa-one year na kaming break at ayokong sabihin ng mga tao na ginagamit ko siya. Hindi na talaga kami nagkikita, we stopped bumping into each other, dati nagkikita pa kami, pero business partners pa rin kami and the business is doing good,” pahayag ni Karylle.    

Ayaw ding magbanggit ng pangalan ng kanyang manliligaw si Karylle at sa iba pa namin nalamang may non-showbiz at taga-showbiz siyang suitors at isa rito’y DJ sa WTM na bumbayin daw, rich, and very decent. Matanong nga si Mo Twister sa name ng guy.   

Sa September, mapapanood na ang TVC ni Karylle ng Pink Water Body Spray sa Smell Me, Feel Me, Kiss Me, at Love Me scents.                                                        

* * *

Kumita ng P10 million ang Ded na si Lolo nang ipalabas sa Sine Direk ng APT Entertainment at DGPI at showing pa ang pelikula, nabalita nang magkakaroon ng sequel dahil box-office hit nga at pinag-usapan pa. Title pa lang ng sequel na 40 Days ni Lolo, gusto na ng mga moviegoers.     Well, matutuwa ang mga naghihintay sa 40 Days ni Lolo dahil may script na at binabasa na ng mga bossing ng APT Entertainment.

Kapag naapru­bahan, gagawin na ang pelikula this year at this year din ipalalabas. Hindi na hihintayin ang Sine Direk next year.    

Siyempre, the same cast pa rin sa pangunguna ni Roderick Paulate na talaga namang hit na hit sa role niyang namimighati sa pagkamatay ng kanyang lolo. Sabagay, kahit naman anong role ang ibigay kay Roderick ay kering-keri nito. Gaya na lang sa Rosalinda na isa siya sa inaabangan at hindi nadi-disappoint ang mga viewers dahil talagang nakakatawa.    

Mamaya sa Rosalinda, kakuntsaba si Florencio (Roderick) nina Rosalinda (Carla Abellana) at Fernando Jose (Geoff Eigenmann) sa kanilang pagpapakasal. Sa araw ng kasal, pipigilan nina Soledad (Glydel Mercado) at Valeria (Sheryl Cruz) na makasal ang dalawa. Nakita ni Valeria si Soledad na naglalakad sa kalye at kanyang sinagasaan.

* * *

Sa Adik sa ’Yo, kokomprontahin ni Karen (Jennica Garcia) ang inang si Stella (Beth Oropesa) sa nangyari kina Ruben (Dennis Trillo) at Ising (Ces Quesada) at pupunta siya sa Batangas para mag-sorry sa mag-ina, pero wala ng tao sa bahay ni Ruben.    

Mag-aaway sina Carlos (Marvin Agustin) at James (Wendell Ramos) dahil kay Joana (Jolina Magdangal) at gulantang si Carlos dahil si James ang pinanigan ng dalaga.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

AYAW

DAHIL

KANYANG

KARYLLE

LOLO

PINK WATER BODY SPRAY

ROSALINDA

SINE DIREK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with