^

PSN Showbiz

Dra. Vicki Belo maraming hawak na ebidensiya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nakaburol ang labi ni Douglas Quijano sa Chapel 7 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City at nagsimula kahapon ng umaga ang viewing sa bangkay niya.

Hindi ko pa alam ang araw ng libing ni Douglas dahil hinihintay pa ang pagdating ni Richard Gomez.

Gustung-gusto na sana ni Richard bumalik sa Pilipinas nang malaman niya ang nangyari kay Douglas pero may isang event pa sa San Francisco na kailangang puntahan nila ng kanyang misis na si Lucy Torres.

Naputol ang phone patch interview ng Startalk kay Richard noong Sabado dahil nag-crack na ang kanyang boses habang kinakausap siya ni Joey de Leon.

Naging emotional si Richard dahil si Douglas ang kanyang discoverer, mentor at tatay-tatayan. Malaki ang kinalaman ni Douglas kung ano ngayon si Richard.

* * *

Ang sabi ni Ces Evangelista, stroke ang ikinamatay ni Douglas noong Sabado ng umaga sa bahay niya sa Lucban, Quezon pero may nagsasabi na heart attack ang dahilan.

Si Ces ang kaibigan ni Douglas na madalas nitong kasama sa mga lakad. Naging ugali na nina Ces at Douglas na maglagi sa Lucban.

Wala nang buhay si Douglas nang makita ng mga kasama niya sa bahay ang kanyang katawan.

Gabi na nang maialis ang bangkay ni Douglas sa Lucban dahil nag-imbestiga pa ang mga pulis at hinintay ang kanyang pamilya para sila ang magdesisyon sa pagdadalhan sa labi ni Douglas.

Nagtulung-tulong ang kanyang mga alaga sa funeral arrangements para kay Douglas. Nagkaroon din ng emergency meeting ang PAMI noong Sabado sa Via Mare para pag-usapan ang maitutulong nila.

Hindi na ako nakapunta sa emergency meeting dahil kasabay ito ng live airing ng Startalk.

Mabilis na kumalat ang balita dahil sa texting. Nalaman kaagad sa buong mundo ang biglang pagpanaw ni Douglas. Kung nasaan man si Dougs, parang nakikita ko ang kanyang naughty smile dahil na-shock niya ng walang ka-effort-effort ang entertainment industry.

* * *

Napakarami ng fond memories ko tungkol kay Douglas. Siya ang kasama ko sa unang biyahe ko sa ibang bansa.

Noong baguhan pa lang ako na showbiz reporter, si Douglas lang ang tumatabi sa akin sa upuan. Walang gustong tumabi sa akin noon dahil hindi nila ma-take ang pagiging harbatera ko. Hate ng ibang mga reporter ang panghihingi ko noon ng datung sa mga artista pero never na lumayo sa akin si Douglas. Aliw na aliw pa nga siya sa mga kagagahan at pagiging harbatera ko.

Forty one years na kaming magkaibigan ni Douglas at kulang ang forty one years kung ikuku­wento ko ang aming pinagsamahan. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko, si Douglas ang hindi ko naka­tam­puhan o nakaaway. Sa sobrang bait niya, ikaw ang may kasalanan kapag nakaaway mo siya.

* * *

Malinaw ang paliwanag ni Atty. Adel Tamano tung­kol sa pagdadamay kay Dra. Vicki Belo sa uploading ng sex videos ni Hayden Kho, Jr. sa internet nang umapir siya sa Startalk noong Sabado.

Maraming ebidensiya na pinanghahawakan si Atty. Tamano na magpapatunay na may mga butas ang affi­davit ni Erik Johnston Chua katulad ng pango­ngop­ya nito sa sworn statement ni Mama Vicki.

Lumalabas na hinintay muna ni Erik na mag-submit ng affidavit si Mama Vicki sa NBI bago siya nagbigay ng kanyang sworn statement.

Nagpadala kaagad si Mama Vicki ng affidavit nang hingan siya ng NBI dahil sinabi lamang niya ang totoo. Walang itinatago si Mama Vicki kaya madali sa kanya ang mag-submit sa NBI ng sinumpaang salaysay.

May mga nang-iintriga at nagsasabi sa akin na si Mama Vicki ang mastermind sa pagkalat ng mga sex video ni Hayden. Kahit ano ang gawin nilang pang-iintriga, hindi ako naniniwala dahil sagana sila sa pagbibigay ng reaksiyon at opinyon pero hindi naman nila alam ang puno’t dulo ng mga pangyayari.

vuukle comment

ADEL TAMANO

CES EVANGELISTA

DAHIL

DOUGLAS

DOUGLAS QUIJANO

KANYANG

MAMA VICKI

SABADO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with