^

PSN Showbiz

Coverage sa panganganak ni Giselle maraming naimbyerna

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Maraming naimbyerna kay Giselle Sanchez nang mapanood sa TV Patrol ang panganganak sa kanyang second baby.

Feeling nila, bakit kailangan pang magpa-cover ni Giselle habang nanga­nganak eh hindi naman siya first time mom.

Siya pa raw mismo ang nagtawag sa mga TV crews para sa coverage ng pa­nganganak at nagpa-interview after giving birth.

Saka supposedly, Lamaze ang sistema ng panganganak niya. Eh bakit sumigaw siya.

’Pag nag-Lamaze classes ka, wala kang mararamdamang sobrang sakit – dahil “repertoire of relaxation and breathing strategies” ang ganitong klase ng panganganak.

“Lamaze believed that controlled, conditioned breathing exercises were effective in blocking women’s perception of pain of contractions,” sabi sa online report.

Baka feel lang ni Giselle na umakting habang nanganganak.

* * *

Pati pala bangin sa may Antipolo, Rizal, naibenta ng asawa ni Jose Manalo kaya umabot sa kung ilang milyones ang sabit nito sa kung kani-kaninong negosyante.

Yup, you read it right. Pati bangin, nakunan daw ng titulo ng asawa ng komedyante. Kaya nga tawa nang tawa ang nakarinig sa nagkuwento.

Imagine, nabenta raw nito ng kung ilang milyon ang nasabing titulo sa isang madatung. Pero nang bisitahin daw ng nakabili, sa may lugar ng bangin sa Antipolo ang itinuturo nito. Hahaha.

Bukod sa mga titulong naibenta ng asawa ng komedyante, milyun-milyon din daw ang utang nito sa mga alahas.

Nung minsan ay nakita na sa Senado ang ilang nagri-reklamo sa asawa ng komedyante.

* * *

Mas nai-excite mag-trabaho ngayon si Richard Gutierrez particular na sa taping ng Zorro pagkatapos ng kanyang grabeng aksidente kamakailan. Nagti-taping na siya at nakakabilib na nagmamaneho na uli siya ng bagong kotse.

Kung hindi siguro ginawa ni Richard na mag-drive after, malamang hanggang ngayon dala niya ang takot.

Anyway, babalaan ni Zorro ang mga Caballeros nang makaharap niya ang mga ito na hindi basta-basta ang kalabanin ang gob­yerno at malalagay lamang ang mga ito sa panganib. Makaka­rating naman kay Ramon ang balitang na intake ng mga ‘Zorro’ (si Zorro at ang mga Caballeros) ang dulo ng Angeles na binaban­tayan ng mga guardia civil. Sa gitna ng pagtatalo ni Zorro at ng mga Ca­balleros ay magugulat na lang sila sa pagsabog ng mga canyon ng mga guardia civil sa pamumuno ni Ramon.

Masyadong challenging ang role ni Richard sa Zorro kung tutuusin, pero kaya ng katawan niya ha.

vuukle comment

BUKOD

GISELLE SANCHEZ

HAHAHA

JOSE MANALO

KAYA

LAMAZE

MAKAKA

PATI

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with