^

PSN Showbiz

Nagkalat ng sex video ni Hayden nakalipad na sa Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nalaman ko kaagad kahapon ang balita na naaksidente si Richard Gutierrez dahil may mga tumawag sa akin.

Nabigla ako dahil hindi simpleng aksidente ang nangyari kay Richard at sa kanyang mga kasama. Nabangga sa poste ang kanilang sasakyan na naging dahilan para mamatay ang personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo.

Hindi na umabot si Nomar sa ospital. Wala na siyang buhay nang dalhin sa pagamutan. Inilipat naman si Richard sa Asian Hospital sa Alabang at awa ng Diyos, maayos na ang kanyang lagay. Natanggal na ang mga bubog sa kanyang mukha. Ang kinis-kinis pa naman ng face ni Richard.

Hindi pa sinasabi sa kanya ang nangyari kay Nomar dahil siguradong makakaapekto ito kay Richard.

Nakikiramay ako sa naiwanang pamilya ni Nomar at ipinagdasal ko ang mabilis na paggaling ni Richard.

* * *

Teka, bukas nang gabi ang grand launch ng Flawless. Makadalo kaya si Richard o hindi siya payagan ng kanyang doktor.

Starring bukas sa grand launch ang mga endorser ng Flawless, sina Lorna Tolentino, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Alyssa Alano, Katrina Halili at si Richard.

Hindi ako sure kung dadalo si Katrina pero invited din sa event ng Flawless si Dra. Vicki Belo. May lakas kaya ng loob si Katrina na humarap kay Dra. Belo na nadadamay rin ang name sa imbestigasyon eh biktima rin naman siya.

Napaka-forgiving person ni Mama Vicki. Imagine, napatawad niya sina Hayden at Katrina sa panlilinlang na ginawa sa kanya. How I wish na kasing-forgiving ako ni Mama Vicki! Siya na nga ang naisahan, nadadamay pa ang kanyang name sa eskandalo na wala naman talaga siyang kinalaman.

* * *

Nagkita kami ni Hayden Kho noong Huwebes ng hapon pero saka ko na lang sasabihin sa inyo ang mga napag-usapan namin.

Kaharap sa meeting ang nanay ni Hayden at ang legal counsel nito na si Atty. Lorna Kapunan.

Type ko ang nanay ni Hayden. Hindi siya nagpaka-plastic. Talagang nakairap siya sa akin at hindi niya ako binabati. Naririnig niya kasi ang mga ibinabalita ko sa radyo at nababasa ang mga sinusulat ko tungkol sa mga kahalayan ng kanyang anak. Kahalayan daw o!

At least, nagpakatotoo ang madir ni Hayden. Magtataka pa ako kung tsika-tsika at beso-beso siya sa akin kesehodang binabatikos ko si Junjun! Junjun daw o!

Junjun ang palayaw ni Hayden dahil junior siya ng kanyang ama na si Dr. Hayden Sr. At dahil nakairap sa akin si madir, hindi ko na tinanong kung true na may nagregalo sa kanya ng compilation ng sex video ni Hayden noong Mother’s Day. Napaka-brutal ‘di ba?

Natukoy na ng mga imbestigador ang source o nagkalat ng sex video ni Hayden kaya ipapatawag na siya ng NBI.

Ewan ko lang kung makakarating ang suspect dahil may tsismis na lumipad na siya sa Amerika. Baka na-afraid dahil nababanggit na ang kanyang pangalan sa mga radyo at diyaryo.

* * *

Watch n’yo ngayong hapon ang Startalk dahil may mahabang report tungkol sa Hayden sex video scandal at sa aksidente na nangyari kay Richard.

Nagpuyat ang staff ng Startalk para maihatid sa inyo ang hottest at latest news tungkol sa mga nakakaloka at kontrobersyal na isyu sa showbiz. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari ‘huh! Sino ang mag-aakala na makakarating sa Senado at NBI ang kuwento ng love triangle nina Hayden, Katrina at Mama Vicki?

vuukle comment

DAHIL

HAYDEN

JUNJUN

KANYANG

MAMA VICKI

NOMAR

RICHARD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with